Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub, naaresto sa La Union
- Published on July 25, 2024
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese computer hacker na nagtatrabaho sa isang online gaming hub na dating sinalakay sa Porac, Pampanga noong nakaraang buwan.
Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ni BI fugitive search unit (FSU) kinilala ang dayuhan na si Lin Qiude, 40, na inaresto noong July 20 sa loob ng isang resort sa Point Freeport in San Fernando, La Union.
Sinabi ni BI FSU chief Rendel Ryan Sy na ang kanyang mga tauhan, kasama ang mga ahente mula sa intelligence division ng bureau, ay naglalayong hanapin at arestuhin ang mga indibidwal na umano’y sangkot sa online gaming related crimes na iniimbestigahan ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC).
Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga intelligence group mula sa Philippine National Police (PNP), militar, at hukbong dagat, gayundin ng PNP Regional Office 1 at San Fernando City Police Station.
Noong ito ay inaresto, nalaman mula sa awtoridad ng Tsina na si Lin ay binasagan na isa itong pugante na wanted sa pandaraya.
Ayon sa awtoridad ng Tsina, si Lin ay napasailalim sa isang warrant of detention na inisyu ng isang public prosecutor sa Anxi County, China kung saan siya ay inakusahan ng pandaraya.
Ayon kay Sy, bukod sa pinaghahanap si Lin sa China, wanted din ito ng lokal na awtoridad na pinaghihinalaan na isa sa mga hackers na empleyado ng PAOCC na sinalakay sa Porac.
Si Lin ay pinaghihinalaan na responsable sap agha-hack ng mga bank accounts ng mga biktima na na nakabase mula sa US, Middle East and Europe. GENE ADSUARA
-
Pixar Short ‘Carl’s Date’ to Premiere in Cinemas Alongside ‘Elemental’
THE beloved character Carl from the Pixar movie Up is set to return to the big screen in the upcoming Pixar short, ‘Carl’s Date’. In the animated movie Up, Pixar delivered some of the most iconic and heartwarming scenes through the characters of Carl and Ellie. The childhood friends who shared the dream of finding Paradise […]
-
Pope Francis muling ipinagdasal ang mga kaguluhan sa Ukraine
PINANGUNAHAN ni Pope Francis ang pagdarasal para sa kapayapaan sa Ukraine. Sa kanyang lingguhang Angelus prayer sa St. Peters’ Square sa Vatican, sinabi nito na lubhang nakakabahala ang mga pangyayari sa Ukraine. Nanawagan ito sa mga pulitiko doon na dapat maging prioridad ang kapayapaan para sa kapakanan ng kanilang mamamayan. […]
-
Santiago interesadong mag-SEAG at AWVC
PINANGUNAHAN ng sikat na si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang 16 na mga dumalo buhat sa 40 inanyayahan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa women’s indoor team tryout nitong Miyerkoles sa Subic Gymnasium sa Zambales. Karay ng Japan V. League gold medalist sa pagtitipon sina incoming Premier Volleyball League (PVL) stars Abigail […]