• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese illegal workers na napatawan na ng visa cancellation, nasa higit 1, 400 – DOJ

PUMALO na sa mahigit 1,424 na dayuhan  ang  napatawan  ng visa cancellation dahil  iligal na nagta-  trabaho sa bansa.

 

 

Sa Laging Handa Briefing,  sinabi ni DOJ spokesperson Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, batay sa hawak nilang datos, “as of October 10″, nasa 1,424 pa lamang na illegal workers ang napatawan na ng kanselasyon ng kanilang visa.

 

 

Malayo pa aniya ito sa target na 48, 482 na Chinese Nationals na iligal na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

 

 

” Ang goal po natin ay makansela ang buong 48,482 na Chinese nationals na nandito pa din at nakita natin na employed pa din sila doon sa mga illegal POGOs; so out of the 48,000 plus – 1,424 as of the other day ‘no, as of Monday ang nakansela na po,” ayon kay Clavano.

 

 

Wika pa ni Clavano, may mga natatanggap silang report na may Chinese nationals na humihingi ng tulong para makalipat sa mga legal na POGO companies.

 

 

” Wala pa pong dumating sa office ng DOJ, although mayroon po kaming na-receive ho na report na may mga Chinese nationals na humihingi ho ng tulong para makapag-transfer ho sila doon sa mga legal na POGO companies,” aniya pa rin sabay sabing “wala pa naman kaming na-receive na report doon sa sinabi ninyo po na nag-offer po ng suhol ‘no. Pero once na dumating iyan sa atin, of course we will conduct the necessary investigation, the necessary procedures will be put into place para po hindi mangyari ho iyong ganoong bagay.”

 

 

Ito ngayon aniya ang pinag-aaralan ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) lalo na sa kung papaano ang magiging proseso para makapasok sa mga legal na POGO operations.

 

 

“So iyon po ‘yung inaaral po natin sa Bureau of Immigration kung papaano po iyong magiging proseso noon dahil manggagaling ho sila sa mga iligal na POGO pero ang gusto nila pumasok doon sa mga legal, kaya iyon, kailangan ho nating aralin iyon. Ang policy na sinet ho ng DOJ sa start ay bumalik ho muna sa China bago sila bumalik dito at ma-employ doon sa mga legal na POGO companies. Pero dahil marami na ho ang humingi ng tulong para mag-transfer na ho sila, inaaral natin iyan,” litaniya nito. (Daris Jose)

Other News
  • Bading na-depressed sa utang, nagbigti

    NASAWI ang isang 23-anyos na bading na dumanas umano ng depresyon matapos magbigti dahil sa hindi nabayarang utang sa Malabon City, kahapon (Huwebes) ng madaling araw.   Kinilala ang biktima na si Mark Lester Jhon Dela Cruz, salesman, na nadiskubreng walang buhay ng kanyang tiyahin na si Ailane Bacalso habang nakabigti gamit ang kumot na […]

  • Michael Keaton Directed Noir Thriller Reveals Al Pacino & Cast

    AFTER finding himself in the middle of the continued content turmoil at Warner Bros. Discovery and DC, Michael Keaton has shifted his focus to his upcoming noir thriller Knox Goes Away, which has revealed Oscar-winning actors Al Pacino and Marcia Gay Harden and Westworld star James Marsden as members of its impressive cast.   Keaton, […]

  • Masayang nagkasama after so many years: BEA, muling nasampolan ng sampal ni JEAN

    NAGING malaking parte si Jean Garcia sa pagiging artista ni Bea Alonzo. Unang silang nagkasama sa 2002 teleserye na Kaytagal Kang Hinintay at nasundan ito noong 2003 with ‘It Might Be You.’         Kaya natuwa si Jean noong b siya sa ‘Widows’ War’ dahil muli niyang makakatrabaho si Bea after 20 years. […]