• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese national na wanted ng trafficking, nasabwat sa NAIA

NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese man na wanted para ipa-deport ng ahensiya dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking at prostitution.

 

 

 

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang nasabat na si Du Shuizhong, 51, sa NAIA terminal 1 habang papasakay ng Air China flight patungong Chengdu, China.

 

 

Si Du ay hindi pinayagang makalabas ng bansa at inaresto at dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

 

 

Sinabi ni Viado, na pababalikin lamang si Du sa China alinsunod sa deportation order na inisyu ng BI board of commissioners laban sa kanya dahil sa pagiging undesirable alien.

 

 

Ilalagay din siya sa blacklist at pagbabawalan na siyang muling makapasok ng bansa.

 

 

Base sa datos, si Du ay dati nang kinasuhan ng Bi dahil sa pagiging undocumented at pagiging undesirability matapos itng nasangkot sa prostitution at labor exploitation.

 

 

Mananatili siya sa BI facility hanggang sa implementasyon ng kanyang deportasyon. GENE ADSUARA

Other News
  • Malakanyang, kumpiyansa sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew ng mga nasa LGU

    NAKASALALAY na sa Local Government Units (LGUs) ang ikapagtatagumpay ng ipinatutupad na unified curfew hours na ang layunin ay mapababa ang numero ng mga tinatamaan ng COVID 19.   Umaarangkada na kasi ngayon ang dalawang linggong unified curfew hours na 10pm to 5am sa buong NCR.   Sinabi ni Presidential Spokesperson HarryRoque na ang LGU […]

  • Vaccine czar Galvez, nabakunahan na rin ng Sinovac

    Naturukan na rin ng Sinovac COVID-19 vaccine si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.     Isa si Galvez sa mga nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH), kung saan isinagawa ang ceremonial rollout.     Layon ng programang ito na palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa gitna ng hesitancy sa pagpapabakuna. […]

  • Mister ng ika-4 na Omicron case sa ‘Pinas may COVID, ‘di pa tiyak ang variant

    Nagpositibo rin sa COVID-19 ang asawa ng ikaapat na kaso ng mas nakahahawang Omicron variant na natagpuan sa Pilipinas, pagkukumpirma ng Department of Health (DOH).     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lalaki ay isang 37-anyos na Pilipino. Gayunpaman, titiyakin pa lang kung may kinatatakutang Omicron variant din siya gaya ng 38-anyos niyang […]