• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese nuclear-powered submarine lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan -US official

SINABI ng isang senior U.S. defense official na ang pinakabagong nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan.

 

Maituturing itong isang malaking kahihiyan para sa Beijing na hangad na mapalawak ang military capabilities nito.

 

Sa ulat, sinasabing ang Tsina ay mayroon ng pinakamalaking navy sa buong mundo, mayroong 370 barko, at nagsimula nang gumawa ng bagong henerasyon ng nuclear-armed submarines.

 

Winika ng senior U.S. defense official na ang bagong first-in-class nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog sa tabi ng pier o pantalan sa pagitan ng Mayo at Hunyo.

 

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Chinese embassy sa Washington na wala itong maibibigay na impormasyon ukol dito.

 

Hindi naman malinaw kung ano ang dahilan ng paglubog o kung ito may lulan na nuclear fuel ng oras na iyon.

 

“In addition to the obvious questions about training standards and equipment quality, the incident raises deeper questions about the PLA’s internal accountability and oversight of China’s defense industry – which has long been plagued by corruption,” ang sinabi ng opisyal, gumamit ng acronym para sa People’s Liberation Army.

 

“It’s not surprising that the PLA Navy would try to conceal” the sinking,” ang sinabi pa rin ng opisyal.

 

Samantala, ang balita ay unang iniulat ng Wall Street Journal.

 

Isang serye ng satellite images mula sa Planet Labs mula Hunyo ang lumabas para ipakita ang cranes sa Wuchang shipyard, kung saan ang submarine ay nakadaong.

 

“As of 2022, China had six nuclear-powered ballistic missile submarines, six nuclear-powered attack submarines and 48 diesel-powered attack submarines,” ayon sa Pentagon report ukol sa China’s military.

 

“That submarine force is expected to grow to 65 by 2025 and 80 by 2035,” ang sinabi naman ng U.S. Defense Department. (Daris Jose)

Other News
  • 13 bagong appointees, itinalaga ni PBBM

    IPINALABAS ng Malakanyang ang mga pangalan ng 13 bagong appointees kabilang na si dating Foreign Affairs at Justice undersecretary Brigido Dulay.     Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dulay bilang Inspector General ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP).     Kasama rin sa listahan ang bagong apat […]

  • Napunit ang Achilles heel sa shoot ng movie: Sen. BONG, humingi ng dasal sa publiko dahil baka maoperahan

    SA kanyang Facebook live ay humingi ng dasal si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa publiko dahil baka maoperahan.   Napunit kasi ang kanyang Achilles heel sa shoot ng entry niya para sa Metro Manila Film Festival, ang Alyas Pogi 4.   May eksena kasi na tumakbo siya ng ubod nang bilis kaya ayun, napunit […]

  • Leading ladies ni XIAN na sina RYZA at JENNYLYN, parehong nabuntis kaya nakabimbin ang pelikula at teleserye

    LAST Sunday, napanood na si Miss Universe 2020 Rabiya Mateo sa first acting project niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, sa Halloween special na “Gabi ng Lagim IX.”     Tungkol ito sa isang babaeng ginagambalang maligno sa Marinduque, na tinatawag na “Bungisngis” o “Ngisngis.”     Ngayon ay handa na si Rabiya sa isang […]