Chinese President Xi Jinping tinago ang coronavirus outbreak
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
Tila nabulgar sa speech ni Chinese President Xi Jinping na hindi agad pinaalam ng China government na nagkakaroon na pala ng virus outbreak sa kanilang mga citizen, gayundin sa ibang bansa.
Sa February 3 speech ni Xi, sinabi nito na maagang umaksyon ang China para mapigilan ang pagkalat ng virus, na kalauna’y binansagang novel coronavirus.
Ito’y matapos punahin si Jinping na naging mabagal umano ang kanilang responde sa nasabing virus outbreak.
Ayon kay Xi, noong January 7 pa lang ay kanila nang pinag-utos ang pag-shutdown sa Hubei Province, lugar kung saan nanggaling ang coronavirus.
Ngunit January 23 pa na-lockdown ang nasabing lugar, at kasabay na ito ng pagkabalita sa mga taga-China at ibang bansa na mayroon ng coronavirus outbreak sa Hubei.
“On Jan. 22, in light of the epidemic’s rapid spread and the challenges of prevention and control, I made a clear request that Hubei province implement comprehensive and stringent controls over the outflow of people,” ayon kay Xi sa meeting ng standing committee ng kanyang party.
Sa ngayon ay umabot na sa 69,267 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus, 1,670 na ang nasawi dahil dito at patuloy pa ang pag-angat.
Kumalat na rin sa lampas 30 bansa ang virus, kasama na ang tatlong kumpirmadong kaso sa Pilipinas.
Isa pa sa isyu sa China ngayon ay pinangako ng kanilang gobyerno na magiging bukas sa impormasyon tungkol sa nCoV, ngunit may ilang mga video report na nawawala ang mga journalist na nagbabalita tungkol sa outbreak, na pinaghihinalaang dinetine. (Daris Jose)
-
Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na magpa-booster laban sa COVID 19
HINIKAYAT ng opisyal ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na suportahan ang inisyatibo para sa muling pagpapaturok ng Covid19 vaccine. Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Dan Cancino MI, Executive Secretary ng komisyon kaugnay sa panawagan ng Department of Health na magpa-2nd dose na ang mamamayang Filipino lalo na ang […]
-
Hong Kong nagpatupad ng travel ban vs PH at 7 pang bansa dahil sa pagtaas ng COVID cases
Inanunsiyo ng Hong Kong ang panibagong paghihigpit nila bilang pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19. Isa rito ang pagbabawal sa mga flights mula sa Pilipinas at pitong iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Australia, Canada, France, India, Pakistan, United Kingdom at US. Isasara rin nila ang mga bars at gyms ganun […]
-
PBBM, imbitado sa WEF sa Switzerland sa Enero 2023
INIMBITAHAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland sa Enero 2023. Ang imbitasyon ay ipinarating kay Pangulong Marcos ni WEF founder at executive chairperson Klaus Schwab sa isinagawang breakfast meeting sa Phom Penh, Cambodia, araw ng Sabado, ayon kay Undersecretary Cheloy Garafil, Officer-in-Charge of the Office of […]