CHIPS Act ng Estados Unidos, nakikitang magpapalakas ng semiconductor sector ng Pinas
- Published on March 13, 2024
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang suporta ng Estados Unidos sa ilalim ng CHIPS Act ay magpapalakas sa semiconductor sector ng Pilipinas kabilang na ang propesyonal nito.
Sinabi ng Pangulo na inaasahan na ang Pilipinas ay makapagpo-produce ng 128,000 semiconductor engineers at technicians na mami-meet ang demand ng teknolohiya sa susunod na mga taon.
“So, with the potential support from the United States under the CHIPS Act, we are poised to churn out a robust talent pool of 128,000 semiconductor engineers and technicians by the year 2028, ready to meet the expanding needs of high-technology industries,” ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa isinagawang courtesy call ng US government at Presidential Trade and Investment Mission (PTIM) delegation sa Palasyo ng Malakanyang.
Pinahihintulutan ng CHIPS Act ang bagong pagpopondo para palakasin ang pagsasaliksik at manufacturing ng semiconductors sa Estados Unidos.
Titiyakin din ng batas ang pamumuno ng Estados Unidos sa teknolohiya na bubuo ng pundasyon sa lahat mula automobiles hanggang household appliances hanggang defense systems.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na handa ang Pilipinas na suportahan ang mga kumpanya ng Estados Unidos sa kanilang “research and development endeavors” at maging sa iba pang support operations.
“With our standing proposition to the US semiconductor companies to invest in a laboratory-scale wafer fabrication facility in the Philippines, we can support the R&D (research and development), and advanced assembly, packaging, and test requirements of U.S. companies that are into semiconductors and electronics manufacturing services,” ayon kay Pangulong Marcos.
Kumpiyansang ipinahayag din ni Pangulong Marcos na makakaya ng mga Filipino professionals na lumikha ng prototypes at tape-outs ng integrated circuits. Ang integrated circuit ay isang grupo ng mga electronic circuits na pinagsama-sama sa isang maliit na chip ng materyal pansemikonductor, kadalasang silicon. Ito ay nagagawang mas maliit sa mga circuitna gawa sa sari-sariling electronic components; at upang maugnay sa development ng cutting-edge, high-value products at services.
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na makapag-aambag ito sa pagsusulong ng technology-driven economy.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga American firms na magpartisipa sa “Build, Better, More” program ng administrasyon, naglalayong i-develop ang 198 high-impact priority infrastructure flagship projects (IFPs).
“This is not the only important infrastructure that we need. Through the “Build, Better, More” program, we aim to launch 198 high-impact priority infrastructure flagship projects (IFPs), totaling USD 148 billion (PhP 8.8 trillion),” ayon kay Pangulong Marcos.
“We eagerly welcome participation by US investors in these transformative initiatives,” dagdag na wika ng Chief Executive.
Bukod dito, nanawagan din ang Pangulo sa mga American businessmen na mamuhunan sa pag-develop ng energy sector ng bansa at mahahalagang metals exploration at processing, bukod sa iba pang mga lugar.
Ang pagdating ng US mission sa Maynila ay tanda ng pagsasaktuparan ng commitment ni US President Joe Biden kay Pangulong Marcos nang mag-state visit ang huli sa Washington, D.C. noong May 2023.
Matatandang, nangako si Biden na magpapadala ng high-level presidential delegation sa Pilipinas para palakasin ang investment at trade relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Noong nakaraang taon, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang US ay puwesto sa pangatlo mula sa 230 trading partners ng Pilipinas, pang-una sa export market, at pang-lima naman sa import source. (Daris Jose)
-
Tyson Fury napanatili ang WBC heavyweight crown sa panalo vs Dillian Whyte sa harap ng 94,000 record fans
NAPANATILI ni Tyson Fury ang pagiging World Boxing Council (WBC) heavyweight champion matapos pabagsakin sa sixth round si Dillian Whyte sa harap ng 94,000 fans na nanood sa Wembley Stadium sa London. Ang naturang crowd ay record breaking bilang highest attendance sa isang boxing match sa Europe at pinakamarami sa buong mundo. […]
-
USA sa Pilipinas maglalaro
SA PILIPINAS maglalaro ang US Dream Team sa group stage ng FIBA Basketball World Cup na idaraos sa susunod na taon. Ito ang kinumpirma ng FIBA matapos ang konsultasyon nito sa tatlong host countries sa FIBA World Cup — ang Pilipinas, Japan at Indonesia. Inanunsiyo na ng FIBA Central Board na […]
-
Malakanyang, nagpaabot ng pagbati kina Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte
NAGPAABOT ng pagbati ang Malakanyang kina Ginoong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. at Binibining Inday Sara Duterte-Carpio sa electoral victory at proklamasyon ng mga ito bilang President-elect of the Philippines at Vice President-elect of the Philippines. “Today’s proclamation ceremony by Congress marks another historic milestone in our political life as a nation underscoring that […]