Chopper deal sa Russia, matagal ng kanselado-PBBM
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itulak pa ang $38-million military helicopter contract sa Russia na kinansela ng nagdaang administrasyon.
Tinanong kasi si Pangulong Marcos kung may balak pa itong itulak ang kasunduan kasunod ng panawagan mula kay Ambassador Marat Pavlov na dapat lamang na igalang ng gobyerno ng Pilipinas ang $38-million military helicopter contract na naunang kinansela ng gobyerno dahil sa takot sa sanction ng United States.
Giit pa ni Pavlov, hindi sila nakatanggap ng pormal na anunsyo ng pagkansela sa nasabing kontrata.
“I think it has already been determined. It was already determined by the previous administration that that deal will not carry through, will not go on,” ayon kay Pangulong Marcos.
Matatandaang kinansela ang nakatakda sanang pagbili ng Pilipinas ng Mi-17 helicopters na nagkakahalaga P12.7 bilyon mula sa kumpaniyang Sovtechnoexport ng Russia.
Katuwiran ni Pangulong Marcos, mayroon ng alternatibong suplay para sa kakailanganing mga helicopter ang Pilipinas.
Napaulat na nakatakdang magpaabot ng $100 million “in foreign military financing” ang Estados Unidos sa Pilipinas kasunod ng ginawang pagkansela ng gobyerno sa kasunduan.
“At so mayroon na tayong ginawa, we have already… The deal with Russia was for some heavy-lift helicopters and now we have secured an alternative supply from the United States through the manufacturer Poland — in any case, we have — mayroon na tayong kapalit,” ani Pangulong Marcos.
“Unfortunately, we made a down payment that we are hoping to negotiate to get at least a percentage of that back. But the deal as it stood maybe at the beginning or in the middle of last year, has already been cancelled and we have, as I said, secured another alternative supply for those helicopters that we need,” dagdag na pahayag nito.
Dahil dito, hindi pa umano tumitigil ang Russian contractor sa paggawa ng 16 helicopters at ang mga Pinoy na piloto na inatasang magpatakbo ng sasakyang panghimpapawid ay nakatapos ng pagsasanay sa Russia.
“The downpayment was made for the start of the assembly operation, so we continue to assemble. Kasi we received the amount of the money so fulfilling all the contractual obligation,” aniya.
Sinabi ni Pavlov na isang fully assembled helicopter ang ihahatid sana sa Pilipinas noong Hunyo, ngunit tinanggihan ito ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang unit ng helicopter ay ibibigay nang walang bayad bilang side bonus ng deal.
“Ito ay isang napakahalagang isyu ng aming bilateral na relasyon. Ito ay natapos nang walang anumang presyon mula sa panig ng Russia sa nakaraang administrasyon,” sabi ni Pavlov.
Nang tanungin kung posible ba ang refund sa nakanselang kontrata.
“We’d like to see the position of the Philippine government and after that we discuss the process of contractual obligation,” tugon ni Pavlov. (Daris Jose)
-
Ads May 16, 2023
-
Pagpapakawala ng tubig ng dams dapat kontrolin ng NDRRMC – Año
Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lamang ang kailangang magdesisyon sa pag-aapruba sa mga dam kung dapat ba ang mga itong magpakawala ng tubig sa panahon ng kalamidad. Ito ang siyang sinabi ng kalihim sa isang […]
-
P9 pa rin ang minimum na pamasahe
MANANATILING P9 pa rin ang minimum na pamasahe hanggang hindi pa binibigyan ng aksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga public utility jeepneys (PUJs) na P10 bilang provisional na pamasahe. Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra na humingi ang mga transport groups na itaas ang pamasahe […]