Chot dismayado sa pullout ng South Korea
- Published on February 26, 2022
- by @peoplesbalita
DISMAYADO si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa biglaang pullout ng South Korea sa FIBA World Cup Qualifiers na sasambulat ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.
Nagdesisyon ang pamunuan ng Korea Basketball Association (KBA) na lumiban sa February window matapos magpositibo ang isa sa 12 players nito sa lineup.
Kaya naman apektado ang training camp ng Gilas Pilipinas.
Inamin ni Reyes na isa ang South Korea sa mga pinaghahandaan nito sa qualifiers lalo pa’t dalawang beses sana itong makakalaban ng Gilas Pilipinas.
“It throws a monkey wrench in our preparations because we have been preparing for Korea for the past week,” ani Reyes.
Mula sa apat na laro, magiging dalawa na lamang ang laro ng Gilas Pilipinas sa qualifiers — laban sa India sa Biyernes at kontra sa New Zealand sa Linggo.
Nabago ang program ng Gilas Pilipinas na sesentro na lamang sa kung paano tatalunin ang India at New Zealand.
“We would like to think that we built this team on versatility. Agility was one of the very first things we talked about in our first practice and how we really need to prepare for whatever comes,” ani Reyes.
-
Kahit more than a year pa lang ang relasyon: CARLO, ‘di na pinatagal kaya pinakasalan na si CHARLIE
TAMA ang kumalat na balita noong Sabado, na may celebrity couple na ikakasal kinabukasan, araw ng Linggo. Sa Metrogate Silang Estates sa Cavite nga ginanap ang kasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino. Ilan sa mga ninong at ninang na kinuha ng dalawa ay mga big bosses ng ABS-CBN […]
-
Ernie Gawilan ng PH nagtapos sa ika-6 na puwesto sa Paralympics freestyle swimming finals
Bigo si Ernie Gawilan na makakuha ng medalysa sa 2020 Tokyo Paralympics men’s freestyle 400-meter-S7 finals. Nagtapos si Gawilan sa ika-anim na puwesto mula sa walong finalists sa oras na 4:56.24. Ito ay 25.18 seconds behind kay Mark Malyar ng Isarel na nakakuha ng gold sa naturang tournament. Nakagawa […]
-
Mga magulang pinayuhan ng AFP at PNP na gabayan ang mga anak sa online class vs NPA recruitment
KAPWA aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na may posibilidad na malantad ang mga online learner sa ginagawang recruitment ng New People’s Army (NPA) para sumapi sa kanilang grupo. Sinabi nina AFP chief of staff, Gen. Gilbert Gapay at PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na bagaman […]