• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chris Paul pinakawalan ng Thunder patungong Suns, kapalit ng 4 players trade

GINULANTANG ngayon ang mundo ng NBA matapos pakawalan ng Oklahoma City Thunder ang kanilang All-Star guard na si Chris Paul patungong Phoenix Suns.

 

Kapalit sa pag-trade kay Paul ay apat na mga players. Dahil dito mapupunta na sa Thunder sina Ricky Rubio, Kelly Oubre, Jalen Lecque, Ty Jerome at ang first-round pick sa pagitan ng taong 2022 at 2025.

 

Gayunman ang naturang impormasyon ay hindi pa umano naisasapinal ng liga.

 

Kung matuloy ang pag-trade kay Paul, makakasama niya sa team ng Suns ang isa rin matinding shooter sa NBA at isa ring All-Star na si Devin Booker.

 

Kung maalala sa kasagsagan ng NBA bubble bagamat naka 8- 0 sa restart ang Phoenix, kinapos naman ito pagsapit sa playoffs.

 

Samantala, bigla namang nagbigay ng reaksiyon si Ricky Rubio sa social media at nasabi na lamang ang mga salitang “negosyo lang talaga ang NBA.”

Other News
  • SOLENN, sincere na nag-apologize matapos ma-bash; hindi intensyon na maka-offend

    NAG-APOLOGIZE na si Solenn Heussaff matapos na ma-bash ng netizens dahil sa ipinost niyang photo sa social media para i-promote ang kanyang art exhibit na may titulong ‘Kundiman’.     Deleted na ang naturang IG post ng Kapuso actress/host na kung saan nakaupo siya sa wooden chair at nasa ilalim nito ang kanyang ginawang bonggang […]

  • Fury napanatili ang WBC world heavyweight belt matapos talunin si Chisora

    Napanatili ni Tyson Fury ang kaniyang WBC world heavyweight title matapos talunin si Derek Chisora.     Hindi hinayaan ng 34-anyos na si Fury na madungisan ang kaniyang unbeaten record sa halos 60,000 katao na nanood sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.     Inihinto na ng referee ang laban matapos makita ang 38-anyos na […]

  • 4 na kasunduan nilagdaan ng Pinas at Indonesia

    APAT na kasunduan sa ekonomiya, kultura, at depensa ang nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia sa unang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing bansa.     Ang apat na kasunduan ay iniharap kina Marcos at Indonesian President Joko Widodo sa Istana Bogor kung saan kapwa sila nagbigay ng […]