Christmas party posible na sa mga bakunado
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
Naniniwala ang OCTA Research Group na maaari nang magdaos ng mga Christmas parties ngayong darating na Disyembre ngunit para lamang sa mga ganap nang bakunadong mamamayan.
“In places na vaccinated ‘yung attendees, kunwari sa office Christmas party na everyone’s vaccinated na, we can probably have a big Christmas party because the risk right now seems low,” ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng OCTA.
Ito ay makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at pagluwag na ng mga healthcare facilities at isolation centers.
Ngunit hindi kumbisido ang Department of Health (DOH) dito. Iginiit ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan pa rin na ipatupad ng husto ang ‘minimum health protocols’ partikular ang pag-iwas sa matataong lugar at pagiging magkakadikit.
Handa naman umano ang DOH na mag-adjust sa sitwasyon ngunit nananatili ang palagiang pagtiyak sa kaligtasan ng lahat.
-
Gilas Pilipinas nag start ng mag practice
Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila. Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa. Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito […]
-
Quiboloy ilipat na sa BJMP! — PNP
DAPAT na umanong ilipat sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy. Ito naman ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief PCol Jean Fajardo sa isinagawang press briefing. Ayon kay Fajardo, kung sila ang tatanungin, […]
-
Mga empleyadong magpapabakuna sa 3 day national vaccination event, hindi mamarkahan ng absent
HINDI mamarkahan ng “absent” ang mga empleyado na magpapabakuna laban sa Covid-19 sa isasagawang 3-day national vaccination event sa Nov. 29-Dec. 1. Kailangan lamang na magpakita ng “proof of inoculation” ang mga empleyadong magpapabakuna laban sa nasabing virus. Tinintahan kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang kautusan na nagsasaad na ang mga […]