• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Christmas party sa mga paaralan gawing simple – DepEd

HINILING ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan na gawing simple pero makabuluhan ang gagawing Christmas party kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

 

 

Sa naipalabas na DepEd Order No. 052-2022, na nilagdaan ni Vice President at Education secretary Sara Duterte, nakasaad dito na kailangang magtipid dahil sa kasalukuyang kundisyon ng ekonomiya ng bansa.

 

 

“The whole Department of Education (DepEd) community is urged to strive for a genuine celebration of hope, unity and service for others,” sabi ni  Duterte.

 

 

Nakasaad din sa kautusan na kailangang boluntaryo at hindi magastos ang gagawing Christmas party themes, costumes, decorations, at exchange gifts ng mga estudyante upang hindi masaktan masyado ang bulsa ng mga magulang ng mga mag-aaral.

 

 

Dapat din umanong boluntaryo ang kontribusyon sa pagdiriwang ng Pasko sa mga paaralan at opisina maging cash man ito o in-kind.

 

 

Walang mag-aaral at tauhan ng DepEd ang pipiliting mag-contribute, makiisa o gumastos ng kanilang pera para sa selebrasyon. Dapat din isama sa selebrasyon ang mga mag-aaral at tauhan kahit wala silang maibigay na kontribusyon o dalang regalo.

 

 

Inatasan din ng DepEd ang mga schools at officials na mag-recycle ng lumang Christmas decors at huwag bibili ng bagong dekorasyon. Walang mag-aaral at DepEd personnel ang aatasang gumawa ng dekorasyon para sa Christmas party.

 

 

Niliwanag din sa kautusan na ang Christmas party sa mga paaralan ay maaaring gawin sa class hours bastat hindi nakakaapekto sa scheduled lesson plans.

 

 

Hindi rin pinapayagan ang solicitations kahit cash o in-kind para sa Christmas parties o holiday celebrations.

 

 

Samantala, ang mga private schools, community learning centers gayundin ang mga state/local universities and colleges (SUCs/LUCs) ay maaaring mag-adopt sa naturang kautusan ng DepEd bilang batayan ng kanilang pagdiriwang ng Christmas party. (Daris Jose)

Other News
  • Bibida sa newest sitcom ng TV5 na ‘Oh My Korona’: MAJA, tinawag na ‘Majestic Superstar’ kaya todo-react ang mga netizens

    MAY bagong show si Maja Salvador sa TV5 at noong Miyerkoles, July 27, inilabas na nga ang trailer ng ‘Oh My Korona’ na kung saan ipinagmalaki sa IG post ng Kapatid Channel ang cast ng sitcom.   May caption ito ng, “TEKA LAAAANG! 😱   “This cast sa iisang sitcom ay W-O-W!   “Pooh, Kakai […]

  • DoH, ia-anunsyo ang alert level sa NCR sa Oktubre 1

    ANG Department of Health (DOH) ang maga-anunsyo sa Oktubre 1 kung mananatili o babaguhin ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR).   Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na sila ang magde-desisyon kung pananatilihin ang NCR sa ilalim ng Alert Level 4 o […]

  • YASSI, napiling host ng ‘Rolling In It Philippines’ at kay ROBI humingi ng tips

    SI Yassi Pressman ang latest female game show host as she takes the lead in Viva TV, Cignal TV and TV5’s new game show titled Rolling In It Philippines which starts airing on Saturday, June 5.     Sa zoom presscon ng Rolling In It PH ay sinabi ni Yassi na masaya siya when she […]