• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHRISTOPHER, ni-reveal na kinatakutang idirek sa pelikula ni Direk OLIVE

MAY ni-reveal si Olivia Lamasan sa kanyang interview with Toni Gonzaga na may isang aktor niyang kinatakutan niyang idirek sa pelikula at ito ay walang iba kundi si Christopher de Leon.

 

 

Nakatrabaho ni Direk Olive si Boyet sa 1996 drama film na Madrasta na first movie sa Star Cinema ni Sharon Cuneta. 

 

 

Kuwento pa ni Direk Olive na sa sobrang takot niya kay Boyet noon ay hindi niya alam kung paano i-approach ito para i-motivate. Pero nagawa ring makausap ni Direk Olive ang aktor pagkatapos na maka-13 takes sila sa isang eksena with Patrick Garcia.

 

 

“Meron siyang eksena with his son. Pero parang iniisip ko, paano mo ba imo-motivate at ididirek ang isang Christopher de Leon? It took us 13 takes. Finally, pumunta ako kay Boyet.

 

 

“’Yet, how can I help? Sabi niya, ‘Naku, Direk, ang tagal kong hinihintay na kausapin mo ako.’ Sabi ko, sorry kasi sa totoo lang di ko alam paano ka ididirek,” sey ni Direk Olive.

 

 

Para kay Direk Olive, intimidating daw si Boyet bilang isang aktor kaya ilang beses daw niyang pinag-isipan ang lapitan ito.

 

 

“I shared with him na ‘I’m so intimidated with you. Can I direct you?’ Sabi niya, ‘Direk, hinihintay kita.'” 

 

 

Nung ma-motivate na niya si Boyet sa naturang eksena, nakuha raw nila ito agad in just one take.

 

 

After Madrasta, never pa raw ulit nagkakatrabaho sa isang malaking pelikula sina Direk Olive at Boyet.

 

 

***

 

 

BABAWASAN na raw ni Jak Roberto ang pagpapakita ng abs dahil natutuon na siya sa paggawa ng drama roles, tulad na lang sa pagiging leading man niya sa GMA teleserye na Stories From The Heart: Never Say Goodbye.

 

 

Sa kanyang role, nag-focus talaga si Jak sa kanyang mga natutunan sa mga acting workshops. Hindi raw kasi parating kailangan ipakita niya ang abs at gusto niyang makilala siya sa husay niya sa pag-arte.

 

 

“Matagal ko nang ini-aim na ma-prove ko ’yong acting skills ko sa drama. Kasi, most of the time, ang mga ginagampanan ko mga romcom, gag show. 

 

 

“Dumaan na ako noon sa Walang Tulugan, Dear Uge, nagba-Bubble Gang ako and Pepito Manaloto. And ’yong last show ko rin romantic-comedy din, ’yong Wagas namin ni Barbie Forteza. And nitong nakaraan, sa GTV naman, ‘yung Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose and David Licauco.

 

 

“Nu’ng binigay sa akin ’tong project natakot ako, kung mapu-pull off ko ba ’yong character ko or hindi dahil ito ’yong pinaka-heavy so far na isang buong series na gagawin ko. 

 

 

“Nu’ng binigay sa akin sabi ko, ‘All-in o go home’ ’tong show na ’to. ‘Pag hindi ko binigay dito ang lahat ng makakaya ko sa acting, kailan pa? Kailan pa ako mabibigyan ng chance? 

 

 

“Kasi before sa Magpakailanman, two days lang ang taping, nagagawa naman. And ’yong experience ko sa MPK ita-times ko s’ya sa 18 days na taping or ilang weeks na episode. So, grabe. Mabigat itong Never Say Goodbye.

 

 

“Sobrang thankful ako sa GMA na binibigyan ako ng mga ganitong opportunity and kina-cast nila ako sa mga ganitong klaseng role. Sa akin talaga, gusto kong ma-prove ’yong iba’t ibang klase ng pag-arte, sa comedy, sa drama. And this one, masasabi ko na isa ito sa pinaka-proud ako na project ko.”

 

 

***

 

 

HINDI lang on-air dahil pati sa social media platforms ay talaga namang ‘sakalam’ o malakas ang award-winning Kapuso newscast na 24 Oras. 

 

 

Ang 24 Oras lang naman kasi ang kauna-unahang newcast sa bansa na may local livestream sa Tiktok.

 

 

Ibig sabihin lang nito, napapanood na rin sa video-sharing app ang nasabing programa. Nagsimula ang livestream nitong October 11.

 

 

Last month lang opisyal na ipinakilala sa TikTok ang account nitong @24Oras pero humatak agad ito ng 691,000 followers habang may more than 5M likes at 276.5 million views na ito as of October 14.

 

 

Patok din sa netizens ang #24OrasChallenge kung saan may chance kang maka ‘duet’ o makasama ang iyong favorite 24 Oras anchors sa paghahatid ng balita. Humigit 47.7 million views at more than 21,000 duets ang nagawa sa mga published challenge videos. Ilan sa mga Kapuso personalities na naki-join sa challenge ay sina Mariz Umali, Drew Arellano, Joseph Morong, Oscar Oida, Victoria Tulad, Aubrey Carampel, at pati na si Jessica Soho—na mayroong pinaka viral na duet na may 1.2 million views at 164,300 likes and counting!

 

 

Patunay lang ito sa galing ng 24 Oras na gamitin ang mga nauusong social media platforms para maghatid ng balita at impormasyon sa mas nakararami lalo na sa mga Gen Z na laging online.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • TULAK NALAMBAT SA P1.1 MILYON SHABU SA DAGAT SA NAVOTAS

    NALAMBAT ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa karagatan na sakop ng Navotas City ang isa umanong drug dealer na gumagamit ng bangka sa paglalako niya ng illegal na droga, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rudy Las Piñas, 40, ng 554 […]

  • Jared Leto’s Transformation Into the Enigmatic Antihero ‘Morbius’

    FROM dying to being more alive than ever… but there’s a catch.      Jared Leto talks about the incredible transformation of Dr. Michael Morbius in the newly-released vignette for Columbia Pictures’ upcoming Marvel action-thriller Morbius.     Check out the ‘Transformation’ vignette below and watch Morbius exclusively in cinemas across the Philippines on March 30.     […]

  • Ads June 4, 2024