Chua kampeon sa Hanoi open
- Published on October 16, 2024
- by @peoplesbalita
AYAW paawat ng mga Pinoy cue masters sa international stage matapos muling bigyan ni Johann Chua ng karangalan ang Pilipinas.
Pinagharian ni Chua ang 2024 Hanoi Open kung saan pinataob nito si Ko Pin-yi ng Chinese-Taipei sa finals sa pamamagitan ng 13-7 desisyon sa Hanoi Indoor Games Gymnasium sa Vietnam.
Napasakamay ni Chua ang $30,000 premyo o mahigit P1.7 milyon habang nagkasya lamang si Ko sa $15,000 konsolasyon o mahigit P800,000.
Isang krusyal na mintis ang nagawa ni Ko sa huling bahagi ng laro kung saan bigo itong maisalpak ang 9-ball.
Agad naman itong sinamantala ni Chua para makuha ang 19th rack.
-
Sexually transmitted infections, tinawag na ‘silent epidemic’
LUNGSOD NG MALOLOS– Sa ikatlong serye ng YouthTube o Youth Talakayan, Ugnayan, Balitaan Etc., tinalakay ang Sexually Transmitted Infections upang matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng maalam at tamang pananaw sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay sa ginanap na online na programa kasama ang mga pangulo ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan kamakailan. Ito […]
-
Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), binatikos ang ginawang pagbaba sa taripa
BINATIKOS ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang ginawang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas mula India na dating 50% taripa ay 35% na lamang ngayon. Tugon umano ito sa naulinigang plano ng Thailand at Vietnam na taasan ang presyo ng kanilang bigas at magtaguyod ng rice cartel. […]
-
Jordan Clarkson, Utah Jazz sintunado vs San Antonio
2022-2023 (77TH) NBA STANDING EASTERN CONFERENCE TEAM W L 1. Boston 24 10 2. Milwaukee 22 11 3. Brooklyn 22 12 4. Cleveland 22 13 5. Philadelphia 20 12 6. New York 18 16 7. Atlanta 17 16 8. Indiana 17 17 9. Miami Heat 17 17 10. Toronto 15 18 11. Chicago 14 19 […]