CICC sa mga na-scam: ‘Huwag magreklamo sa social media’
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
HUWAG magreklamo sa social media dahil wala itong maitutulong sa sinumang biktima ng scam.
Ito naman ang binigyan diin ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) bunsod ng pagpo-post ng ilang biktima ng scam sa social media.
Ayon kay CICC executive director Alexander Ramos, maaring makipag-ugnayan o tumawag sa kanila ang mga na-scam upang maimbestigahan ang reklamo at iwasan ilabas sa social media ang reklamo.
Bunsod ito sa naging problema ng isang e-wallet at nag-viral ang hinaing ng mga user sa social media.
May posibilidad na samantalahin ng mga manloloko ang sitwasyon.
“We encourage the public to please report to CICC if they were affected by the recent e-wallet loses. We may be able to assist them if they call 1326 so they can be assisted in the investigation instead of posting their loses in social media,” saad ni Ramos.
Sinabi naman ng CICC na nakikipag-ugnayan na rin sila sa e-wallet app para malaman kung papaano makatulong sa mga naapektuhan ng hindi awtorisadong fund transfer.
Dagdag ng CICC, kailangan lamang ang koordinasyon at pasensiya ng mga nabibiktima.
-
NEDA Board, aprubado ang pagbabaho sa flood control projects sa Cavite, NCR
NAGBIGAY ng ‘go signal’ ang National Economic and Development Authority (NEDA) Board para palawigin ang construction period at iba pang adjustments sa Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project (CIA-FRIMP) at Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) – Phase IV. Ang NEDA Board sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang chairman, […]
-
PBBM, balik-Pinas matapos ang “very successful” na ASEAN summit
BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa Cambodia matapos dumalo sa matagumpay na 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits. Si Pangulong Marcos, kasama ang ilang Cabinet members at iba pang delegado ay lumapag sa Pasay City, dakong alas-12:14 ng umaga, araw ng Lunes, Nobyembre 14. […]
-
Ex-PAL chief Jaime Bautista, napili bilang DOTr chief sa ilalim ng administrasyong Marcos
HINIRANG ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang dalawang outgoing officials mula sa administrasyong Duterte bilang bahagi ng pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa kanyang incoming administration. Si Marcos, nakatakdang manumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30, ay pinangalanan sina outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello […]