Cimatu, positibo ang pananaw na masolusyunan ang lumalalang COVID cases Cebu
- Published on June 25, 2020
- by @peoplesbalita
Positibo ang pananaw ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, na sa kanyang bagong assignment ay masolusyunan ang lumalalang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Cebu.
Sa isinagawang virtual press briefing ng IATF, sinabi ni Cimatu na bibisita ito sa ilang mga barangay sa Metro Cebu na may mataas na bilang ng mga nahawaan ng virus.
Dagdag pa nito, handa itong makikinig sa mga hinaing ng mga barangay officials upang matugunan ang lalo pang pagkalat ng virus.
Kaya naman daw malaki ang tiwala nito na humupa ang bilang ng mga reported cases sa gagawin nitong mga hakbang.
Samantala, ikinatuwa naman ng mga lider sa Cebu ang appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Cimatu.
Masaya ngayon si Cebu City Mayor Edgardo Labella dahil sa pagbabalik ni Cimatu at nakita na rin nito ang mga accomplishments kagaya ng Boracay rehabilitation, at iba pa.
Sinabi rin nito na malaki ang concern ng Pangulo sa COVID-19 situation sa lungsod lalo na at umabot na sa mahigit 4,000 ang confirmed cases.
Sumang-ayon din si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa pagbisita ni Cimatu upang makita ang tunay na kalagayan o real picture ng Cebu City patungkol sa pandemya na syang nakaapekto rin sa buong isla. (Daris Jose)
-
PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN! HEALTH PROTOCOLS ISTRIKTONG IPATUPAD! CONSOLIDATION ng MGA PRANKISA HUWAG IPATUPAD!
Sa inirekomendang modified GCQ sa buong bansa simula ngayong darating na Marso, asahan na ang mas maraming pasahero. Kaya naman rekomendasyon din na dagdagan ang mga units para sa public transportation. Iba ang dagdag ng masasakyan sa dagdag sa pwedeng sumakay – ang ibig sabihin ng una ay mas marami ang masasakyan. Ang pangalawa- mas marami ang […]
-
Mataas na employment rate, patunay ng economic momentum
NANINIWALA ang isang kongresista na isang patunay ng economic momentum o pagsipa muli ng ekonomiya ang naitalang pagtaas sa employment rate ng bansa noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon. Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, malaking tulong dito ang pagbabalik ng face-to-face activities at consumer spending. Pinaka-positibo […]
-
MAUI, binalikan ang naging experience noong makatrabaho ang Oscar winning Korean actress na si YOUN YUH-JUNG
BINALIKAN ni Maui Taylor ang naging experience niya noong makatrabaho ang veteran Korean actress na si Youn Yuh-jung na nanalo bilang best supporting actress sa nakaraang Oscar Awards. Nakatrabaho ng dating Viva Hot Babes so Youn sa 2012 South Korean film na The Taste Of Money. Maid ang role ni Maui na nagkaroon […]