City Government of Davao, nakiisa sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa namayapang si dating Pangulong Noynoy Aquino
- Published on June 26, 2021
- by @peoplesbalita
NAKIISA ang City Government of Davao sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa ikapapayapa ng kaluluwa ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang watawat ng Pilipinas sa buong Davao City ay hahayaang liparin ng half-mast hanggang sa mailibing si Aquino.
“The City Government of Davao is one with the nation in praying for the eternal repose of the soul of former President Benigno Aquino III,” aniya pa rin.
“The Philippine flag in the entire Davao City shall be flown at half-mast until his burial,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, napaulat na pumanaw na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, araw ng Huwebes, limang taon matapos na bumaba siya sa kanyang tanggapan.
Isang miyembro ng pamilya Aquino ang nagkumpirma nito at ilang malalapit na kaibigan at dating opisyal ng gabinete ni dating Pangulo Aquino, tulad nina dating Supreme Court Justice Adolf Azcuna na minsang nagsilbi bilang legal counsel sa Aquino administration at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na nagsilbing peace negotiator ng dating Pangulo,
Si Aquino, 61 ay matagal nang nanaimik at wala sa “public eye” simula nang magtapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.
Nang mamatay ang ina ni Noynoy na si dating Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay Noynoy para tumakbo sa pagka-pangulo. Pagkatapos ng kanyang retreat ay nagpasya na nga si Noynoy na tumakbong pangulo sa halalan ng 2010.
Isang grupo ng mga abogado at mga aktibista bumuo ng NAPM – ang Noynoy for President Movement – at isang nationwide movement ang kanilang ginawa na nangongolekta ng isang milyong lagda upang akitin si Noynoy Aquino na tumakbo bilang presidente. Noong huling linggo ng Agosto, si senador Aquino, ang kanyang kapwa partymate sa Liberal Party na si senador Mar Roxas at isang hindi nasabing pangulong aspirante ay nagsimulang mag-usap upang magdesisyon sa kung anong gagawin para sa halalan ng 2010.
Setyembre 1, 2009, sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, si Senador Roxas, isa sa nangungunang kandidato para sa nominasyon ng Liberal Party ay inihayag ang kanyang withdrawal sa pagkapangulo at ipinahayag ang kanyang suporta para sa kandidatura ni Aquino.
Noong Setyembre 9, 2009, 40 na araw matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, opisyal na inihayag ni Noynoy ang kanyang plano para sa pagkapangulo sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, kung saan ay nagsilbi din ang lugar na presidential inagaural site ng kanyang ina noong 1986.
Ang pagkapangulo ni Benigno S. Aquino III ay nagsimula sa tanghali noong Hunyo 30, 2010, Siya ay ang ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas, pagkatapos ni Gloria Macapagal-Arroyo. Simula ng kanyang pagkapangulo, kilala rin siya sa tawag na “PNoy” na pinaikling bersyon ng “Presidente Noy”
Si Benigno Aquino III ay ang:
Ikatlong pinakabatang inihalal na pangulo at ang ika-apat na bunsong presidente matapos nina Emilio Aguinaldo, Ramon Magsaysay at Ferdinand Marcos.
Unang binatang pangulo, walang opisyal na asawa at anak.
Ikalawang presidente sa kasaysayan na hindi uminom ng alkohol. Ang unang pangulo na hindi uminom ng alak ay si Emilio Aguinaldo
Kauna-unahang alumnus ng Ateneo de Manila University na naging presidente.
Ikalawang pangulo na naging isang anak ng isang dating presidente (Corazon Aquino).
Unang pangulo na naging dating mag-aaral ng isang dating presidente (Gloria Macapagal-Arroyo). (Daris Jose)
-
Ningning sa 80th Golden Globe Awards, muling naibalik: ANGELA, waging best supporting actress at nakalaban ni DOLLY
MULING bumalik ang ningning ng Golden Globe Awards sa kanyang 80th year pagkatapos na di ito nagkaroon ng live awards night noong nakaraang taon. Hosted by Jerrod Carmichael, ginanap ang ng live ang Golden Globes sa Beverly Hill Hilton in Beverly Hills, California. Muling bumalik sa red carpet ang mga celebrities at present […]
-
Duque, DOH officials pinaiimbestigahan ng Ombudsman
Pinaiimbestigahan ng Office of the Ombudsman sina Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyal at empleyado ng Department of Health (DOH) na may kaugnayan sa naging hakbang ng kagawaran sa laban kontra COVID-19 pandemic. Sinabi ni Ombudsman Samuel Martirez na ipinag-utos niya ang pagbuo ng dalawang investigating teams na tututok sa umano’y […]
-
Prophecy of an Apocalypse Forces Family to Give Up a Life in M. Night Shyamalan’s “Knock at the Cabin
ACCLAIMED filmmaker M. Night Shyamalan’s latest and most anticipated horror film “Knock at the Cabin” to open in local theaters on February 1 features an impressive cast of actors led by Dave Bautista along with Jonathan Groff, Ben Aldridge, Rupert Grint, newcomer Kristin Cui, Abby Quinn and Nikki Amuka-Bird. “Knock at the Cabin” centers on […]