• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque, DOH officials pinaiimbestigahan ng Ombudsman

Pinaiimbestigahan ng Office of the Ombudsman sina Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyal at empleyado ng Department of Health (DOH) na may kaugnayan sa naging hakbang ng kagawaran sa laban kontra COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martirez na ipinag-utos niya ang pagbuo ng dalawang investigating teams na tututok sa umano’y mga iregularidad at anomalya na ginawa ng mga opisyal at empleyado ng DOH.

 

Kabilang sa mga iimbestigahan ay ang delayed procurement ng Physical Protective Equipment (PPE), at iba pang medical gears na kailangan para sa proteksyon ng mga healthcare workers laban sa nakakamatay na sakit.

 

Nais din siyasatin ang umano’y lapses at irregularities na nagresulta sa pagkamatay ng mga medical workers at sa patuloy na pagsirit ng numero ng mga namamatay at nahahawa na medical frontliners.

 

Kasama rin sa imbestigasyon ang hindi pagkilos sa release at processing ng benefits at financial assistance ng mga nasawi at infected medical frontliners.

 

Bukod dito, ipinasisilip din ang nakakalito at delayed reporting ng COVID-19 related deaths at confirmed cases.

 

Ilang linggo bago ipatupad ang lockdown noong Marso 15, sinabi ni Martirez na nagsimula na ang kanilang field investigation office sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa ilang reklamo sa DOH subalit hindi aniya nakikipagtulungan ang mga opisyal at kawani ng DOH.

 

Sa ngayon, binibigyan ng kapangyarihan ni Martirez ang binuong joint-investigation team na maghain ng criminal at administrative case sa mga mapapatunayang may pagkukulang at paglabag sa batas. (Daris Jose)

Other News
  • Duterte nasaksihan ang hagupit na iniwan ni ‘Ulysses’sa Cagayan

    Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang tulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses sa Region 2.   Sa kanyang pagdalaw sa Cagayan, agad nagsagawa ng aerial inspection ang pangulo at nakita niya ang nararanasang paghihirap ng mga mamamayan sa lalawigan na labis na naapektuhan ng pagbaha.   Layunin ng […]

  • Ads March 9, 2021

  • Naturukan na ng 2nd dose ng Sinopharm: Pangulong Duterte, fully vaccinated na-Sec. Roque

    KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na natanggap na ngayon gabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang second dose ng Sinopharm.   Nangyari aniya ito bago pa ang nakatakdang pulong ng Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).   Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte.   […]