Clark International Airport bubuhusan ng P46 billion na pondo
- Published on July 29, 2024
- by @peoplesbalita
BUBUHUSAN ng P46 billion ang Clark International Airport (CIA) upang gamitin sa isang development plan mula sa mga pangunahing kumpanya ng mga airlines kasama ang pamahalaan bilang isang paliparan na may lumalaking ekonomiya sa Central Luzon upang maging isang preferred gateway sa Luzon.
Ayon pamahalaan at mga executives ng mga airlines na sila ay desidido na pagandahan at palawakin ang operasyon ng CIA upang maging viable ito at maging tuloy-tuloy na isang multi-airport sa darating na panahon sa Mega Manila.
“The Clark International Airport Corp. (CIAC), developer of the Clark Civil Aviation Complex, is spending at least P45.5 billion for a pipeline of seven projects aimed at increasing passenger and cargo volumes in the airport,” ayon sa Department of Transportation (DOTr)
Isa na sa proyekto ay ang pagtatayo ng P21 billion Clark World Convention and Events Hub na siyang magiging lugar para sa mga large-scale concerts. Sa pamamagitan nito umaasa ang CIAC na maaakit ang mga pasahero na magpunta sa Clark kaya tataas rin ang arrivals sa airport.
Magdadagdag din ang CIAC ng ikalawang runway na nagkakahalaga ng P12 billion upang masiguro na ang gateway ay operational kahit na ang main strip ay sarado. Magtatayo rin ng P8.5 billion food hub na itatayo malapit sa airport na makapagtataguyod ng cargo flights.
Natapos na rin gawin ang concept design ng P1.5 billion na Clark Direct Access Link, ang 2.7 kilometers road na magdudugtong sa airport palabas at papunta sa North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway.
Magkakaroon din ng mga buses at e-jeepneys mula sa kalapit na rehiyon na siyang makakatulong upang matugunan ang kakulangan sa transportasyon para sa mga pasahero.
“The goal is to add commute options from areas like CAMANAVA supporting the existing point-to-point services from Ninoy Aquino International Airport, Trinoma, Dau, Pampanga, Baguio, Dagupan City at Olongapo City,” wika ni CIAC president at CEO Arrey Perez.
Dahil dito ang Cebu Pacific na siyang pangunahing airlines sa CIA ay nangako na pag-aaralan ang expansion opportunities sa Clark. Naniniwala si Cebu Pacific president at chief commercial officer Alexander Lao na ang Clark ay mananatiling isang importanteng gateway sa mga travelers mula sa North.
Habang ang Flag carrier Philippine Airlines (PAL) naman ay nilipat ang flights mula Basco sa Clark na siyang magiging main door entry papuntang Batanes. Sinabi naman ni PAL president at COO Stanley Ng na palalawakin din sa Clark ang current connections sa Busuanga, Coron at Caticlan.
Hindi naman nababahala ang mga investors at Clark developers na magtatagumpay ang operasyon sa Clark kahit na ang karibal na airport tulad ng Ninoy Aquino International Airport ay sasailalim sa P170.6 billion na rehabilitasyon na makakapag- handle ng 60 million na pasahero sa isang taon.
“We also don’t expect the completion of the P735.63 billion New Manila International Airport (NMIA) in Bulacan, which would be the largest gateway in the Philippines, to take away Clark’s viability as an airport,” dagdag ni Perez. LASACMAR
-
Senado, sinimulan na ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund
SINIMULAN na ng Senado ang debate sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bills ngayong araw. Ang Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, mga panukalang naglalayong lumikha ng pondo, ay tinalakay ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies. Kabilang sa mga pinagmumulan ng seed money para sa […]
-
QUIBOLOY, nananatiling nagtatago sa Pinas- DOJ
HANGGANG ngayon ay nakabinbin ang 2 warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil patuloy itong nagtatago sa Pilipinas habang ang hurisdiksyon ng kanyang mga kaso ay inilipat na sa Pasig City mula Davao. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary at spokesman […]
-
2 pushers kulong sa baril at shabu
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher). […]