• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CLAUDINE, paborito pa ring banggitin hanggang ngayon si RICO; patihimikin na sana ang namayapang aktor

SANA ay patahimikin na ni Claudine Barretto ang mahigit 19 na taon nang namayapang actor na si Rico Yan.  

 

 

Hanggang ngayon, tila paborito pa rin itong banggitin ni Claudine.

 

 

Sa naging interview niya sa YouTube channel ng kanyang best friend na si Janelle Jamer, si Rico pa rin ang isa sa pinag-usapan. Na kesyo nalulungkot pa rin siya at nagre-regret na hindi ito nakasama sa huling sandali.

 

 

Ano nga kaya ang nararamdaman ng pamilya Yan sa patuloy na pagbabanggit-banggit ni Claudine rito.  Enough na siguro. Kung totoo ngang nami-miss mo naman ang isang tao, pwede naman na alalahanin niya sa sarili na lang.

 

 

Valentine’s Day, si Rico pa rin ang bukambibig.

 

 

***

 

 

NAGHIHINALA ang ilan na naka-lock in shooting na ngayon ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Bea Alonzo, ang adaptation ng Korean film na A Moment to Remember.

 

 

Na-move ang shooting date nila at ang balita namin ay sa March na ito masisimulan. Wala si Alden sa Eat Bulaga dahil kinailangan din ng ilang araw na pahinga.

 

 

Walang dapat ipag-alala dahil regular ang swab testing ni Alden kaya sure na negatibo pa rin ito sa COVID-19.  Posibleng anyday from now ay mapanood na itong muli sa longest-running noontime show.

 

 

Hindi maikakaila na si Alden ang isa sa busiest star ngayon. Bukod sa All-Out Sundays, nag-resume na rin siya sa Centerstage at in-terms of endorsements, halos lahat yata ng endorsements din niya ay for renewal.

 

 

At sisimulan na rin ang movie nila ni Bea by next month at posibleng 3rd quarter ng taon naman sisimulan ni Alden ang gagawing teleserye sa GMA-7.

 

 

All-out ang blessing kay Alden dahil all-out din naman siyang mag-share ng mga blessing lalo na sa mga tinutulungan niyang hindi na niya talaga gustong pinapa-media pa.

 

 

***

 

 

CLOSE talaga si Julia Montes sa mag-asawa Dimples Romana at Boyet Ahmee o sa pamilya nila.

 

 

Bihirang mga pagkakataon na makausap o magpaunlak ng interview si Julia, pero game na game ito na nag-lie detector test bilang unang guest ng You Tube vlog ng mister ni Dimples.

 

 

Yun nga lang, palaging “lie” ang lumalabas sa mga sagot ni Julia kaya nagtatawanan sila at sinasabing ‘wag daw maniniwala basta sa mga laruan. At ‘wag din daw itong gagamitin dahil pwedeng makasira ng relasyon.

 

 

Sa tanong ng Mister ni Dimples na “Manila Boy o Probinsyano?” kay Julia, tila hindi na nag-isip na sinagot at pinili ni Julia na  “Probinsyano!”  Siyempre, tawanan sila pareho na hindi na kailangan pang dagdagan o ipaliwanag ang tanong at sagot.  Umaapela si Julia at Boyet dahil lie pa rin ang resulta ng lie detector test, e, nagsasabi na nga raw ito ng totoo.

 

 

Alam naman ng lahat na sa ngayon, kapag sinabing probinsyano ay si Coco Martin talaga ang maiisip. At hindi man direkta pa rin umaamin ang dalawa, ang tanong e, “kailangan pa nga ba?”

 

 

Binasa naming ang mga comments at halos lahat ay kinikilig. Masaya na raw ang “CocoJuls” heart nila. Sabi ng isang comment, “Unti-unti na siyang umaamin.”

 

 

Pero may mga comments din na naringgan daw nilang nag-comment si Dimples sa background at tinawag nitong “Mommy” si Julia.  Sey raw ni Dimples, “Challenge yun mommy.”

 

 

Kung wala pa ring direktang pag-amin sa relasyong Coco at Julia, wala rin pag-amin o pagtanggi kung may anak na nga sila.  (ROSE GARCIA)

Other News
  • Dahil nag-react ang fans ni Jolina sa ‘Pop Icon’: ‘Asia’s Limitless Star’ title ni JULIE ANNE, ibinalik na ng GMA

    IBINALIK na raw sa Asia’s Limitless Star ang title ni Julie Anne San Jose na ipinang-label ng GMA-7’s “The Voice Generations” kunsaan, isa si Julie sa apat na The Voice Generations Judge.     Kasama rin niyang judges sina SB19 Stell, Billy Crawford, Bamboo at Chito Miranda.     Ilang araw na rin na pinag-aawayan […]

  • Bulacan, sinimulan ang pagbabakuna sa mga tourism frontliner

    LUNGSOD NG MALOLOS- Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office at Provincial Health Office ang pagbabakuna sa mga manggagawa sa turismo kabilang ang mga manggagawa ng pelikula, historyador, mananaliksik, mga grupo sa sining at kultura, tour guides, samahan ng turismo, […]

  • ‘Pumili ba ang Letran sa kanyang kalaban’ sa Final Four ng NCAA? Sagot ni Bonnie Tan

    Sinadya bang matalo ang Letran sa final elimination game nito sa Jose Rizal University para makakuha ng mas paborableng draw sa NCAA Season 98 Final Four?   Tila ito sa marami dahil ang 87-71 pagkatalo ng Knights sa Heavy Bombers noong Miyerkules ay nag-relegate sa kanila sa No. 2 spot at isang sagupaan laban sa […]