Clearing operation sa Mabuhay lane patuloy na isasagawa ng MMDA
- Published on December 5, 2024
- by @peoplesbalita
PATULOY ang ginagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ang sinabi ni MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go, sinabi nito na ang paggamit ng Mabuhay lane ay malaking pakinabang sa lahat ng motorista upang makaiwas sa bigat ng trapiko.
Pinaliwanag pa nito ang responsibilidad ng kanilang ahensya ay mag-patupad ng mga rules hindi lamang sa darating na holiday season kung hindi sa pang araw-araw na sitwasyon.
Panawagan pa ni MMDA Chief Go, na iwasan na aniyang gawing park ang interconnection point o mabuhay lane ito’y upang maiwasan rin ang bigat na alalahanin sa pagmumulta. Kasama rin sa mga ipapatupad ng MMDA ang pagtatangal ng mga nagtitinda sa mga sidewalk. (Daris Jose)
-
Pagpaparehistro ng SIM card, dapat gawing madali para sa mga senior citizen – Poe
PINAALALAHANAN ni Senator Grace Poe ang telecommunication companies at National Telecommunications Commission (NTC) na dapat tiyakin na maging madali ang pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module (SIM) card para sa mga senior citizen kasabay ng pagsisimula na bukas, Disyembre 27 ng mandatory SIM registration. Ayon sa Senadora dapat na ang Sim registration ay […]
-
3 KOREAN NATIONAL NA SINDIKATO NG ONLINE, NAARESTO NG BI
NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na puganteng most wanted at binansagang mga leader ng sindikato na nag-ooperate sa online at nambiktima ng marami nilang kababayan. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na sina Jung Myunghun, 38, umano’y Top Leader ng sindikato; Yu Daewoong, 38, at […]
-
BBM pamumunuan ang Department of Agriculture
PAMUMUNUAN ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) kasabay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng bansa sa unang bahagi ng kanyang administrasyon. Si Marcos mismo ang nag-anunsyo sa kanyang hahawakang posisyon bago ang kanyang panunumpa bilang pangulo sa Hunyo 30. Ipinahiwatig ni Marcos na pansamantala lamang ang gagawin […]