• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CLEARING OPERATION SA PORT AREA, NAGING MAAYOS

NAGSAGAWA ng clearing operation ang mga tauhan ng Department of Public Safety, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Police District (MPD), ang mga iligal na tindahan sa kahabaan ng Roberto Oca St. Kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.

 

Dakong 10:30 ng umaga nang dumating ang grupo sa lugar para tanggalin ang mga tindahan na nagsisilbing obstruction sa mga kalsada.

 

Puntirya rito ang mga tindahan ng mga bisikleta, mga second hand na mga aircon, washing machine at iba pang surplus machine.

 

Ilang struktura ang minaso, dahil nasa kalsada.

 

Naging maayos naman ang clearing operation ng mga awtoridad sa lugar.

 

Ayon sa isang tindera sa lugar malamang na umuwi na lamang sila sa probinsiya.

 

Nasa lugar lamang naman sila para makapaghanap buhay dahil wala namang ayuda kanila ang lokal na pamahalaan ng Maynila. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Obiena tumangging makipag-ayos sa PATAFA

    TINANGGIHAN na ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang alok ng Philippine Sports Commission (PSC) na pakikipag-ayos sa Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA).     Sa kanyang social media, pinasalamatan ni Obiena si PSC Chairman Butch Ramirez na siyang tumayong maging tagapag-ayos.     Naniniwala ito na ang pakikipag-ayos ay isang paraan […]

  • Didal yuko sa 13-anyos na karibal

    Bigo mang makasama sa isang podium finish ay dapat pa ring ipagmalaki si Margielyn Didal dahil sa pag-entra sa Top Eight sa women’s street skate event sa skateboarding debut sa Olympic Games.     Tumapos ang Cebuana skater sa pang-pito sa kanyang iskor na 7.52 sa hanay ng walong finalists na kinabibilangan ng mga 13-anyos […]

  • Sotto, 36ers sasagupa sa Suns

    MAKIKILATIS ang angas ng Adelaide 36ers kasama si Kai Sotto kontra sa Phoenix Suns sa NBL x NBA Tour sa Footprint Center sa Phoenix, Arizona.     Aarangkada ang aksyon sa alas-12:30 ng tanghali (Manila time) na magiging unang sabak din ni Sotto laban sa isang NBA team matapos maging undrafted sa 2022 NBA Rookie […]