• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TONY, piniling mag-stay sa Dos dahil sa utang na loob

ISA si Tony Labrusca na tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN kaya nag-stay pa rin siya at hindi tumanggap ng projects sa ibang TV network.

 

“Ako po, pinag-pray ko talaga kasi honestly this time, gulung-gulo ako kung ano ang gagawin kasi ang daming lumilipat, honestly may mga naging offers ako sa ibang network and sa ibang agency.

 

“Pinag-pray ko ‘yun, sabi ko, ‘Lord, please help me to decide kasi I honestly don’t know what to do and what’s meant to be is what meant to be na lang. So, I ended up working and meant to stay dito (ABS-CBN).

 

“I’d like to think na si Lord lang talaga ang gumawa ng paraan para mag-stay pa rin ako kasi ako rin, hindi ko alam kung gagawin ko at tamang desisyon,” pagtatapat ni Tony.

 

Sa ABS-CBN nagsimula si Tony bilang contestant ng Pinoy Boyband Superstar na bagama’t hindi siya ang big winner pero siya naman ang sumikat ngayon dahil nag-concentrate na siya sa pag-arte.

 

Inamin sa amin noon ni Tony na noong pumunta sila ng mama Angel Jones niya sa Pilipinas ay walang-wala sila at nakatira sa isang maliit na kuwarto at talagang naghihigpit sila ng sinturon dahil nagsisimula palang ang binata.

 

May mga project na siya noon pero hindi sapat para makakuha ng mas malaking lugar para sa kanilang mag-ina.

 

Hanggang sa napansin na siya ng husto ng ABS-CBN sa iWant Digital movie na Glorious at dito na nagkasunud- sunod ang projects ni Tony.

 

Sa ngayon ay nagte-taping si Tony ng seryeng Bagong Umaga at naka-lock in sila sa isang hotel at sa Oktubre 30 ay mapapanood naman ang pelikula nila nina Kim Chiu at JM De Guzman mula sa Star Cinema na idinirek ni Derrick Cabrido. (Reggee Bonoan)

Other News
  • PANUKALANG NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION NASA QUEZON CITY COUNCIL NA

    Nakasalang na sa ikalawang pagbasa ang panukalang No-Contact Traffic Apprehension sa Konseho ng Lungsod Quezon.   Kung magiging Ordinansa ito ay mapapabilang na ang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila na magpapatupad nito tulad ng sa Lungsod ng Maynila, Valenzuela at Parañaque.  Layunin nito na mas maiayos ang traffic sa lungsod at mapapanagot ang mga traffic violators. […]

  • 9 arestado sa droga sa Navotas

    Siyam na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang ginang ang nasakote ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City.     Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia […]

  • SUZETTE, rumesbak sa comment ni Direk ANDOY at nagsabi na dapat magbayad ng tamang tax ang Kapamilya network

    HINDI maganda yung pag-aaway sa social media ng mga Kapamilya at Kapuso.     Hindi nagustuhan ni Suzette Doctolero ang comment ni Direk Andoy Ranay na basura ang shows ng Kapuso network kahit pa may franchise ito.     Siyempre rumesbak si Suzette ng comment at sinabi naman na dapat magbayad ng tamang tax ang […]