• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cleveland employees aayudahan, Love ‘magpapasweldo’

MAMUMUDMOD ng $100,000 o mahigit P5-M si Cleveland Cavaliers star Kevin Love bilang ayuda sa mga empleyado ng kanilang playing arena na naapektuhan ng suspension ng laro ng NBA dahil sa coronavirus disease.

 

Ayon kay Love, hindi lamang siya nababahala sa basketball at sa halip ay sa mga tao na nasa likod tuwing sila ay naglalaro.

 

“I’m concerned about the level of anxiety that everyone is feeling and that is why I’m committing $100,000 through the @KevinLoveFund in support of the @Cavs arena and support staff that had a sudden life shift due to the suspension of the NBA season,” caption ng Cavaliers forward sa post niya sa Instagram ng larawang naki-selfie sa daang workers ng arena.

 

Nagpahayag din ang Cavaliers na gagawa sila ng paraan para matulungan ang mga empleyado ng mga playing venues na apektado ng pagsuspendi ng laro.

 

“Thank you @kevinlove – coming through in the clutch,” tweet ng Cavs. “We’re behind you, as we also announced earlier today that we are compensating all of our @RMFiedlHouse hourly and event staff team members as if every game and every event is still taking place!”

 

Si Dallas Mavericks owner Mark Cuban at ang Atlanta Hawks, gumawa rin ng paraan para makalikom ng pondo na pang-ayuda sa mga arena worker.

 

Inaasahang susunod na rin ang iba pang teams.

 

Magugunitang pinasuspendi ng NBA ang lahat ng laro para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.

Other News
  • 2 pang istasyon ng LRT-2 sa Rizal, pagaganahin na sa Abril

    Inaasahan ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) na magiging ­operational na ang da­lawa pang karagdagang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 na magpapalawak sa operasyon ng rail line sa lalawigan ng Rizal ngayong Abril 26, 2021.     Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRTA, ang dalawang bagong istasyon ng LRT-2 ay ang […]

  • 2 nalambat sa P170K shabu sa Navotas

    Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at […]

  • PDu30, hinikayat ang Kongreso na ipasa ang batas na magtatatag sa departamento na tutugon sa hinaing ng mga OFWs

    MULING hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Kongreso na ipasa ang batas na magtatatag sa departmento na tutugon sa mga hinaing ng Overseas Filipino Workers (OFWs).   Hiniling nito sa mga mambabatas na bilisan ang pagpapasa ng panukalang departmento.   Matatandaang, hiniling na ito ng Pangulo sa kanyang ika-5 State of the Nation Address […]