• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Climate change, hindi protocol ng dam ang rason sa malawakang pagbaha”- Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS– Sa kanyang pinakabagong pahayag, sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan na ang malawakang pagbaha na naranasan ng ilang lalawigan kabilang ang Bulacan matapos masalanta ng Bagyong Ulysses ay dulot ng climate change, na bunga ng aktibidad ng tao at pagwawalang-bahala sa kalikasan, at hindi dahil sa water management protocol ng mga dam.

 

“Itong mga pagbaha kaugnay ng bagyong Ulysses ay hindi po dahilan lamang sa nagpakawala ng tubig sa mga dam. Kapag ang dam water management protocol ay hindi isinagawa, higit na maraming buhay ang malalagay sa panganib,” anang gobernador.

 

Binanggit rin niya na ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at National Irrigation Administration (NIA), ang pagpapakawala ng tubig mula sa ating mga dam ay para sa kaligtasan ng ating mga mamamayan.

 

Naniniwala ang punong lalawigan na panahon na upang malalimang pag-usapan ang local climate change mitigation and adaptation.

 

“Habang may panahon pa, ako ay nananawagan sa lahat, kumilos tayo para pangalagaan ang ating likas yaman– ang kalupaan, kabundukan, at katubigan. Dapat pangunahan ng pamahalaan ang magkakaugnay na mga patakaran at panukala para mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, mabawasan ang walang patumanggang pagkakalat, malabanan ang polusyon, at magkaroon ng sapat na kahandaan sa mga kaugnay na suliranin ng pabago-bagong klima tulad ng biglaang mga unos, malalakas na ulan at mga pagbaha,” dagdag ni Fernando.

 

Nanawagan rin siya sa kanyang mga kapwa lingkod-bayan na umaksyon sa halip na magturu-turuan dahil ang pagmamalasakit sa kapakanan ng mga mamamayan ang dapat na pinakamahalagang bahagi ng paglilingkod ng pamahalaan.

 

“Sana ay huwag nating gamitin ang kalamidad para maka-iskor lamang sa pulitika. Sa halip na maghanap ng mapapagbuntunan ng sisi, bakit hindi natin pagtulung-tulungan kung ano ang solusyon sa ating mga problema?” ani Fernando.

 

Alas sais ng gabi kahapon, mayroong 54 barangay sa Bulacan kabilang ang anim sa Paombong, apat sa Pulilan, isa sa Malolos, apat sa Baliwag, 29 sa Calumpit, at 13 sa Hagonoy na lubog pa rin sa baha na dulot ng malakas na pag-ulang dala ng Bagyong Ulysses at back flooding. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kontrabida ni Darna, ‘di kasama sa ni-reveal na cast: JULIA, bagay raw gumanap na Valentina at puwede rin sina HEAVEN at AJ

    IPINAKILALA na ang cast ng Darna TV series na pagbibidahan ni Jane de Leon at ididirek ng master director na si Chito S. Rono.     Pero wala pang announcement ang production kung sino ang gaganap na Valentina, ang babaeng ahas na kontrabida ni Darna.     Bakit kaya wala pa silang napipiling artista for […]

  • Mga atleta busy sa 1st quarter ng 2021

    MAY 83 national athletes pala buhat sa 19 sports ang mga nangangarap  pang makahabol sa paglahok sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemyang Covid-19.   Ito ang napag-alaman ng OD kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez sa programa ng ahensiya kung […]

  • 450 solo parents tumanggap ng cash aid

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng panibagong tulong pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.     May 450 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong-apply at na-renew na solo parent identification card.     Kasama sa ikaapat na batch ng […]