8 drug suspects timbog sa buy-bust sa Valenzuela
- Published on February 9, 2021
- by @peoplesbalita
Walong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Sa report ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Robin Santos sa J. Martin St. Brgy. Pasolo.
Kaagad sinunggaban nina PSSg Alvin Olpindo at PSSg Samson Mansibang si Rolando Samonte alyas “Tisoy”, 45, ng Palamores St. Coloong at Michael Santos, 47 ng Santos Comp. Malinta Bukid matapos bentahan ng P5,000 halaga ng shabu si PCpl Ed Shalom Abiertas na nagpanggap na buyer.
Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, nakuha sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000 ang halaga, buy-bust money, P2,750 cash, 2 cellphones, motorsiklo, bisikleta at coin purse.
Nauna rito, dakong 11:30 ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa 67 N. De Galicia St., Brgy. Maysan sina Sahlee De Galicia alyas “Boss”, 49, Enrico Pamintuan, 49, Reynaldo Eugenio Jr., 31, Rogelio Camuñas, Jr., 52, Alberto Fermin, 56, at Edgar Lancero, 48.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang nasa 6.5 gramo ng shabu na tinatayang nasa P44,200 ang halaga, P500 buy bust money, P1,500 cash, cellphone at ilang drug paraphernalia.
Kaugnay nito, pinuri ng bagong District Director ng NPD na si P/BGen. Bondoc ang Valenzuela police SDEU dahil sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska sa halos P.2 milyon halaga ng droga. (Richard Mesa)
-
Vice Mayor Yul Servo Nieto Meets Working Group for the Manila Film Festival
MANILA Vice Mayor Yul Servo Nieto met the technical working group of The Manila Film Festival (TMFF) recently, to discuss the preparations for its upcoming launch during the Araw ng Maynila celebration in June this year. The February 23, 2023 meeting that was held at the Vice Mayor’s office discussed, among other matters, […]
-
PBBM, titiyakin na may aanihing benepisyo mula sa Maharlika fund
TITIYAKIN ng pamahalaan na ang planong lumikha ng first-ever sovereign wealth fund ay akma sa pangangailangan ng Pilipinas. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagama’t kasalukuyang hinihimay ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) sa Kongreso, sisiguruhin niya na ang pagkakatatag nito ay may mapapala o may maaaning benepisyo para sa bansa. […]
-
Gobyernong Duterte, hindi pinaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng PPE -Galvez
TINIYAK ng pamahalaan na hindi nito pinapaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng personal protective equipment (PPE). ”Noong panahon po na iyon, kahit na ang US, Canada at mga western countries, wala pong makunan ng face masks at PPEs—kumukuha po sila sa China. Hindi po natin fine-favor ang China kasi kung tutuusin po, […]