Clinical trial ng Ivermectin, inutos ni Pdu30
- Published on April 22, 2021
- by @peoplesbalita
Ikakasa ng Food and Drugs Administration (FDA) ang clinical trial sa anti-parasitic drug na Ivermectin at sleep-inducing drug na Melatonin upang mabatid ang pagiging epektibo ng mga ito laban sa COVID-19.
Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang nag-utos sa Department of Science and Technology (DOST) na magkasa ng clinical trial para sa Ivermectin para masubukan kung pupuwedeng gamot sa mga Pilipino.
Una nang sinabi ng DOST na hindi na kailangan ang clinical trials para sa Ivermectin dahil sa may 20 trials na malapit nang matapos at 40 pang isinasagawa ang iba’t ibang bansa.
Sa Pilipinas, nakarehistro ang Ivermectin bilang gamot ng mga beterinaryo at ginagamit lamang laban sa mga parasitiko.
Isasailalim din sa clinical trial ang melatonin na gamit naman ng mga nahihirapan na makatulog.
Sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na ibinibigay din kasi ang melatonin sa mga pasyente na severe ang kaso at nakakabuti umano sa kundisyon ng mga pasyente.
Inaprubahan rin ang trials sa isang uri ng steroid na methylprednisolone na posibleng makatulong rin sa mga pasyente na malulubha ang kundisyon. (Daris Jose)
-
Rider todas, angkas kritikal sa hit and run ng trailer truck
NASAWI ang isang rider habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang angkas matapos ma hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente […]
-
ANNE, nilait ng netizens sa paghahanap ng ‘good script’ para sa gagawing pelikula at teleserye
LAST week pinakalma ni Anne Curtis ang mga Kapamilya forever fans na wala siyang planong lumipat sa Kapuso Network tulad ng ginawa ni Bea Alonzo, matapos na lumabas na nakipag-meeting siya sa mga executives ng GMA Films. This week, isang netizen naman ang sinagot niya na nag-tweet na nami-miss na raw siyang mapanood […]
-
Kumalat na pagtakbo ni KRIS next year bilang Pangulo, isang malaking ‘fake news’
DAHIL sa pagkamatay ni former President Noynoy Aquino, kumalat sa social media ang balita na tatakbo raw na presidente si Kris Aquino next year. Siyempre fake news iyan. Noon pa man ay sinabi na ni Kris na wala siyang balak pumasok sa politics. If we know Kris, hindi siya tatakbo dahil […]