• June 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CLINICAL TRIAL SA AVIGAN, HINDI PA NASISIMULAN

HINDI  pa nasisimulan ang clinical trial ng nati flu drug na Avigan na itinuturing na maaring lunas sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.

Una nang inihayag ng DOH na dapat sanang simulan ang clinical trial ng Avigan noong Agosto 17 ngunit ito ay hindi natuloy dahil sa ilang mga usapin gaya sa budget.

Kabilang sa mga hospital kung saan isasagawa ang trial ay  ang  Philippine General Hospital,  Sta.Ana. Hospital, Quirino Memorial Hospital  at Jose Reyes Memorial Medical Center.

Pero ang PGH pa lamang ang nakapagproseso ng mga kinakailangan dahil ala pang aprroval ng ethics committee para sa  tatlong pang ospital na hanggang ngayon ay inaayos pa.

Ayon kay vergeire, inaasahang sa Setyembre ay masisimulan na ang clinical trial sa Avigan drug dahil kailangan pa aniya ng maaprubahan ng ethics committee at Food and Drug Administration sa mga nakatapos  ng kinakailangang proseso. (GENE ADSUARA)

 

Other News
  • JANINE, hangang-hanga kay BELA kaya gustong makatapat sa movie nila ni JC; ‘di pinangarap na maging beauty queen

    WINNER na winner sa mga nakapanood ng Dito at Doon ng TBA Studios ang pagtatambal nina JC Santos at Janine Gutierrez kasama sina Yesh Burce, Victor Anastacio at Lotlot de Leon, na mula sa direksyon ni JP Habac.     Bukod sa napapanahong kuwento, napakahusay naman talagang naitawid nina Janine at JC ang character nina […]

  • 70% ng PH COVID-19 cases gumaling

    Gumagana ng maayos ang healthcare system ng bansa, patunay na rito ang umanoy pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa coronavirus disease ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Policy Against COVID-19. Ipinagmalaki ni Galvez ang datos noong Setyembre 2 na nagpapakita na 158,610 o 70 porsyento ng kabuuang pasyente sa COVID-19 […]

  • PGB SPECIAL AWARD

    PGB SPECIAL AWARD. Iprinisinta ni Bulacan Provincial Jail Warden Ret. P/LT COL Marcos C. Rivero kasama si P/LT COL Rizalino A. Andaya (dulong kanan) ang tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na BJMPRO-III’s BEST 2022 Special Award mula sa Bureau of Jail Management and Penology Regional Office III para sa ‘di-matatawarang suporta nito sa huli […]