• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Clinical trials walang garantiyang mauuna ang PH sa bakuna vs COVID

Walang kasiguraduhang unang makakakuha ang bansa sa bakuna kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19 kahit pa may partisipasyon nito sa mga gagawing clinical trials.

Ayon kay Department of Science and Technology Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya, nakatanggap na sila ng paunang datos sa bakunang binuo ng Russia at inaasahang malalaman ngayong linggo “if there’s a high likelihood” na ang Phase 3 ng mass testing ay posibleng gawin na sa bansa.

“Conducting clinical trials in the Philippines is not an assurance that we’ll be the first one to get the vaccine,” ani Montoya sa isang panayam.

“A more important assurance is if we have negotiations with them as far as procurement is concerned, maybe special arrangements with their priorities, prices, et cetera,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa 16 na mga manufacturer sa posibleng bakuna na nasa iba’t ibang stages na ng clinical trials ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Maliban dito, kasama rin ang bansa sa COVAX Facility testing sa siyam na bakuna ar ang clinical trials ng World Health Organization sa limang bakuna.

COVAX ay “provide only 20 percent of what we require as far as the national population is concerned” to make sure that all countries “will have equitable access,” saad pa ni Montoya.

“The remaining 80 percent or so will be dependent on the country’s negotiation with the vaccine developers individually,” he said.

Una nang nangako ang Russia at US sa bansa na isasama nito ang Pilipinas sa kanilang listahan ng mga bansang uunahin sakaling mamahagi na ito ng bakuna, ayon pa kay Vergeire.

Other News
  • Rep. Teves isa sa ‘utak’ sa Degamo slay – DOJ

    IKINUKONSIDERA nang isa sa masterminds ang suspendidong si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at walong iba pa noong Marso 4, 2023.     Sa pulong-balitaan, sinabi Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hinahanap pa nila ang dalawa sa tatlong utak sa nasabing krimen.     “They can be […]

  • Nagbabala dahil nabiktima ng isang scammer: SANYA, ginamit para makahingi ng donasyon para sa mga Aeta

    BIKTIMA ng isang scammer ang GMA actress na si Sanya Lopez.       May gumagamit pala kasi ng fake account ni Sanya para makapambudol ng pera sa mga netizens na gamit ang pangalan at photo ng aktres.       Kaya nanawagan ang ‘Pulang Araw’ female star na huwag agad-agad magtitiwala sa mga nakakausap […]

  • IATF, pag-uusapan kung handa na ang NCR para sa Alert Level 1 – Año

    PAG-UUSAPAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong quarantine status sa bansa hanggang sa pagtatapos ng Pebrero at kung handa na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1.     Sa isang panayam, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, ang bagong Alert level classification sa NCR mula Pebrero 16 hanggang 28 ay depende […]