Clinical trials walang garantiyang mauuna ang PH sa bakuna vs COVID
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
Walang kasiguraduhang unang makakakuha ang bansa sa bakuna kontra coronavirus disease 2019 o COVID-19 kahit pa may partisipasyon nito sa mga gagawing clinical trials.
Ayon kay Department of Science and Technology Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya, nakatanggap na sila ng paunang datos sa bakunang binuo ng Russia at inaasahang malalaman ngayong linggo “if there’s a high likelihood” na ang Phase 3 ng mass testing ay posibleng gawin na sa bansa.
“Conducting clinical trials in the Philippines is not an assurance that we’ll be the first one to get the vaccine,” ani Montoya sa isang panayam.
“A more important assurance is if we have negotiations with them as far as procurement is concerned, maybe special arrangements with their priorities, prices, et cetera,” dagdag pa nito.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa 16 na mga manufacturer sa posibleng bakuna na nasa iba’t ibang stages na ng clinical trials ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Maliban dito, kasama rin ang bansa sa COVAX Facility testing sa siyam na bakuna ar ang clinical trials ng World Health Organization sa limang bakuna.
COVAX ay “provide only 20 percent of what we require as far as the national population is concerned” to make sure that all countries “will have equitable access,” saad pa ni Montoya.
“The remaining 80 percent or so will be dependent on the country’s negotiation with the vaccine developers individually,” he said.
Una nang nangako ang Russia at US sa bansa na isasama nito ang Pilipinas sa kanilang listahan ng mga bansang uunahin sakaling mamahagi na ito ng bakuna, ayon pa kay Vergeire.
-
Higit P174-milyon shabu, nasamsam sa 3 magkakapatid
Mahigit sa P174 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong magkakapatid, kabilang ang isang menor-de-edad na nailigtas sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. […]
-
Miyembro ng “Rodriguez Drug Group”, 1 pa tiklo sa baril at P102K shabu sa Valenzuela
SHOOT sa kulungan ang dalawang tulak umano ng illegal na droga, kabilang ang isang miyembro ng “Rodriguez Drug Group” matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City. Batay sa ulat ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria […]
-
13 babae patay matapos mahulog balon sa India
PATAY ang 13 babae matapos aksidenteng mahulog sa isang balon sa pagdiriwang ng kasal sa Northern India. Nakaupo ang mga biktima sa isang bakal na nakatakip sa balon nang bumigay ito. Sinabi ng Mahistrado ng Distrito na si S. Rajalingam na luma na ang balon at hindi nakaya ang bigat ng […]