CLOE, aminadong mapangahas ang role sa ‘Silab’; MARCO, parang young RICHARD GOMEZ
- Published on February 9, 2021
- by @peoplesbalita
INILULUNSAD bilang ganap na bituin si Cloe Barreto, talent ng 3:16 Talent Management at bida sa Silab, ang bagong sex drama offering ng film outfit ni Madam Jenilyn Carrillo.
Sa isang pocket presscon for her and leading man Marco Gomez, sinabi ni Cloe na handa na siya to do all the demanding drama and sexy scenes na ipinagawa sa kanya ni direk Joel Lamangan.
Aminado si Cloe na mapangahas ang role niya sa Silab pero hindi naman daw siya nagdalawang isip dahil this is a big break for her.
Hindi nga raw siya nakatulog the day before her first shooting day dahil sa excitement. Hindi kasi akalain ni Cloe na magbibida na siya sa pelikula at si Joel Lamangan pa ang kanyang director.
“Nagulat talaga ako when I was told na bida na ako sa Silab,” wika ng 20-year-old acting newbie.
“Pero siyempre masaya ako at excited kasi nabigyan ako ng ganito kalaking project.”
At kahit na maraming sexy and provocative scenes si Cloe sa movie, wala siyang takot na sumabak sa mga ito.
“This is a big break for me. Not everyone gets this chance kaya lahat nang mga ipinagawa sa akin ni Direk Joel ay ginawa ko lahat. I gave my all kasi launching film ko ito.”
Isa pang ikina-excite ni Cloe sa Silab ay nakatrabaho niya si Jason Abalos, na crush niya. They play husband and wife sa movie na ang script ay isinulat ni Raquel Villavicencio.
Nag-usap nga raw sila Marco na kapag daw kukunan na ang mga maseselan na eksena ay dapat seryoso sila para one take lang. Siyempre ayaw naman daw nilang mapagalitan ni Direk Joel.
Excited na nga si Cloe na mapanood sa sinehan ang Silab. And flattered siya dahil pinuri ni Direk Joel ang acting niya. Parang hindi siya baguhan sa acting, sabi ng director.
Matagal nang pangarap ni Cloe na mag-artista. Former member ng That’s Entertainment ang kanyang ama pero hindi nito ipinagpatuloy ang pag-aartista.
Supportive naman ang daddy niya sa dream niya to be in showbiz dahil parang siya na ang magpapatuloy ng short-lived showbiz career nito.
***
MALAKAS ang dating ni Marco Gomez.
He reminds of the young Richard Gomez, yung time na baguhan pa si Goma.
For the longest time ay sa Vienna, Austria nakatira si Marco. Pero matagal na niyang pangarap na makarating ng Pilipinas and try his luck sa showbiz.
Member siya ng all-male group na Clique 5. Beterano na rin siya ng iba’t-ibang acting workshop since he came to the Philippines. Marami na rin siyang acting experience on TV pero biggest break niya as an actor ang Silab. To prepare for his role ay panay ang workout niya. Most of the time daw kasi ay naka-topless siya sa pelikula.
Since hindi pa siya masyadong mahusay na mag-Tagalog, kinakausap daw niya lagi si Direk Joel guide him sa kanyang acting. Gusto raw niya tamang emosyon ang kanyang maipapakita sa bawat eksena. Katatapos lang ng principal photography ng Silab last week sa choice locations sa Pampanga at Lian, Batangas.
Bigay na bigay si Marco sa kanyang mga eksena. Siyempre ayaw niyang masayang ang maghandang break na dumating sa kanya.
Hindi sa lahat nang pagkakataon ay may producer na susugal sa mga newcomers at bibigyan ang mga ito ng solo movie. (RICKY CALDERON)
-
Cool Smashers balik-ensayo agad para sa Asean Grand Prix
BALIK-ENSAYO agad ang Creamline Cool Smashers para paghandaan ang sunod na pagsabak nito sa Asean Grand Prix na gaganapin sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa Setyembre 9 hanggang 11. Galing ang Cool Smashers sa dalawang magkasunod na torneo. Una na ang Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na pinagreynahan ng Cool Smashers. […]
-
DICT: Unregistered SIM cards, tatanggalan ng access sa socmed
IKINOKONSIDERA ng Department of Information Communications Technology (DICT) ang unti-unti nang pag-disable ng mga featured services ng mga SIM cards, na hindi pa rin irerehistro ng mga may-ari nito, sa loob ng 90-day extension na ipinatupad ng pamahalaan sa SIM card registration. Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Secretary Ivan […]
-
Top 4 PDID, tiklo sa P34K shabu sa Valenzuela
BALIK-SELDA ang isang drug personality na listed bilang top 4 Priority Database on Illegal Drugs (PDID) matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Johanne Dellava alyas “Jumong”, 34 ng Brgy. Punturin. Sa […]