• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Co-stars sa serye, nagpaabot ng dasal at suporta: CARLA, palaisipan pa ang dahilan nang pagkaka-ospital

PALAISIPAN pa kung ano ang sanhi ng pagkaka-ospital ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

 

 

 

 

Araw ng Miyerkules, August 21 ay nag-post si Carla ng litrato niya na naka-dextrose at may lagnat na 39.6 C. Base sa post ni Carla ay naka-confine siya sa Diliman Doctors Hospital.

 

 

 

 

“Lord, please, heal me. I’ve been in so much pain and discomfort,” ang inilagay ni Carla na caption sa naturang larawan.

 

 

 

Kaagad namang nagpaabot ng dasal at suporta ang marami para kay Carla tulad ng co-star niya sa ‘Widows’ War’ na si Bea Alonzo.

 

 

 

“Yakap! Pagaling ka,” pahayag ng aktres.

 

 

 

“We miss you Cars, God bless you. May the hands of the Lord rest upon you as you recover and heal. Mahigpit na yakap,” ang saad naman ni Jean Garcia na may kasamang praying emoji.

 

 

 

“Get well soon Carla” na may praying emoji ang mensahe ng isa pang ‘Widows’ War’ co-star ni Carla na si Jeric Gonzales.

 

 

 

Heart at praying emoji naman na may mensahe na, “Healing prayers” ang ipinadala ni Lorna Tolentino para kay Carla.

 

 

 

Araw naman ng Huwebes, Agosto 22 ay nag -post muli si Carla ng litrato ng mga dextrose na nakakabit sa kanya na may praying emoji at caption na, “Last night i was able to sleep for 3 hours straight. THANK YOU, Lord.”

 

 

 

Kinumentuhan ito ni Benjamin Alves, na nagkaroon ng special cameo sa Widows’ War, ng heat at praying emojis.

 

 

 

“Dear Carla, Sending healing light might & love . Rest well , God is healing you. Yakap [heart with ribbon emoji].

 

 

“Dear George, Everyone is frantically looking for you,” naman ang mensahe ng isa pang kasama ni Carla sa serye na si Timmy Cruz.

 

 

 

Aabangan natin ang anunsiyo ni Carla kung ano ang kanyang sakit.

 

 

 

***

 

 

 

DATING konektado sa Viva Records, nagsasarili na ngayon ang independent talent manager na si Jaworski Garcia o Boss J sa pamamagitan ng kanyang mga kumpanya.

 

 

 

Umpisang lahad niya, “I’m Jaworski Garcia of Blacksheep Manila, Blacksheep Manila Studios, Blacksheep Records Manila, so basta Blacksheep brand.

 

 

 

“I think this is the biggest venture na ginawa ko.”

 

 

 

Ang mga artist na hawak ni Jaworski ay sina Ethan Loukas, Section Juan at Vjosh Tribe.

 

 

 

Dagdag pa niya, “Tapos meron kaming bago yung acoustic rock si Victorio, tapos yung Outplayed.

 

 

 

“Tapos yung iba… dati kasi naka-affiliate tayo sa Viva so last year we’ve decided to go independent.

 

 

 

Dagdag pa niya Sa akin talaga biggest inspiration ko si Boss Vic (del Rosario). Ang kaibahan lang ngayon sa akin, I decide on things, kumbaga parang ako na. Kung nakita ko yung potential ng artist, I will not be texting, Boss Vic, ‘Boss, pwede ba ito?’, parang ganun. So ngayon, ako na yun.

 

 

 

“Yung dream ko, na-fulfill ko na dito, kasi dati si Boss Vic parang tatay natin yan, anytime na mag-text ako, sasagot yan.

 

 

 

“So, for three years, ganun naman si Boss Vic sa akin, very helpful. Lahat ng gagawin ko siguro sa music, mga 90% of that inspired by Boss Vic.

 

 

 

“Super grateful ako sa Viva for giving me that opportunity. Three years plus na yung Black Sheep Records and Viva collaboration. So ano natin yan, love natin si Boss Vic.”Nagbukas rin si Jaworski ng sarili niyang studio sa Pasig City na puwedeng gamitin sa photo at video shoot.

 

 

 

Dagdag pa niya, “Live music, live music performance, puwede dito, podcast, vlogging, anything. Yung first client namin actually, the brand is Tefal. They did live streaming for the Lazada 7 something nila, so we did it here.

 

 

“So, we have two internet connections na sobrang lakas, na lagi ding hinahanap ng mga clients. So, iyan yung binibigay natin dito sa Black Sheep Manila Studios.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 40-K sundalo idi-deploy ng AFP nationwide para magbigay seguridad

    MAHIGIT  40,000 personnel ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para tumulong sa pagbibigay seguridad sa araw ng halalan sa May 9,2022 national and local elections.     Ayon kay AFP spokesperson Col. Ramon Zagala, ang deployment ng mahigit 40,000 sundalo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay para imonitor […]

  • Bagong mansion ni LeBron James nagkakahalaga ng $36-M

    NAKABILI ng bagong mansion sa Beverly Hillis si Los Angeles Lakers star LeBron James.   Ang $36.75 million na mansion ay pag-aari dati ni soap opera legend Lee Philipp Bell.   Si Bill na pumanaw na noong nakaraang mga buwan sa edad 91 ay siyang nasa likod ng mga soap opera na “The Bold and […]

  • LALAKI HULI SA BANTANG PAGPAPAKALAT NG HUBAD NA LITRATO NG MAGKAPATID

    HUMINGI ng tulong sa pulisya ang magkapatid na dalagita matapos pagbantaan ng isang lalaki na ipapakalat ang edited na hubad nilang larawan.     Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Judy , nakilala nito ang kanilang kapitbahay na si Balnit Turla Singh , 26, binata at nakatira sa Blk 17-A Baseco Compound, Port […]