COA kinuwestyon ang kakulangan ng ayuda ng DA sa mga magsasaka
- Published on August 16, 2022
- by @peoplesbalita
TINUKOY ng Commission on Audit (COA) ang ilang kuwestyunableng pamamahagi sana ng Department of Agriculture (DA) ng mga fertilizers, livestock, feeds at ilang agricultural products bilang ayuda sa mga magsasaka sa panahon ng pananalasa ng COVID-19.
Ang report ng COA ay bilang bahagi ng pagsasailaim nila sa annual audit noong nakarang taon sa programa ng DA na Expanded Livestock and Poultry Production and Rice Resiliency Projects.
Ayon sa COA nakitaan umano nila ng deficiency ang DA, dahil sa kawalan ng submission ng mga patunay na nakatanggap nga ng mga alagang hayop ang mga farmer benefiaries.
Hinahanapan daw ng ahensiya ang DA ng acknowlegement forms at masterlist sana ng mga magsasaka.
Duda rin naman ang COA sa layunin ng limang mga tanggapan ng DA na siyang namahala sa distribusyon ng mga agricultural products na pinondohan ng P94.729 million.
Inilatag din naman ng COA ang mga patakaran at mga regulasyon na sinunod sana ng DA sa pamamahagi ng mga fertilizer, livestock, feeds at iba pang mga agricultural products.
Partikular namang tinukoy ng COA ang Bureau of Animal Industry (BAI) at Regional Field Offices (RFOs) nito sa Cordillera adminsitrative region, Region IV-A gayundin sa Region 11.
Kaugnay nito, inatasan ng COA ang Department of agriculture na magsumite ng mga documentary requirement tulad ng Acknowledgment Receipt, Property Transfer Report upang patunayan na merong napuntahan ang mga proyekto.
-
KILOS PROTESTA, GINAWA SA HARAPAN NG COMELEC
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa tapat ng Palacio Del Gobernador o tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila. Sa pinakahuling update ng Manila Police District (MPD) nagsimula ang rally alas 9 ng umaga ngunit natapos din alas 10:33 . Kabilang sa mga nagprotesta ang grupo ng […]
-
PBBM, pinuri ang mga Filipino STEM winner, nangakong susuportahan ang innovation, tech
NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Linggo sa pagdiriwang ng mga naging tagumpay ng mga estudyanteng Filipino na nag-excell sa larangan ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM). Nangako rin ang Pangulo na patuloy na magi-invest at susuportahan ng kanyang administrasyon ang ‘innovation at technology.’ Sa kanyang weekly vlog na […]
-
CHARO at CHRISTIAN, waging Best Actress at Best Actor sa ‘MMFF 2021’; DANIEL, tumanggap ng Jury Prize Award
HANGA naman kami kay Edgar Allan Guzman dahil finally ay natupad na rin niya ang dream niyang maibili ng bahay ang kanyang Mommy Sarrie de Guzman. Last Christmas eve ay sinorpresa ni EA ang kanyang mommy by bringing her sa isang bahay. Naka-blindfold pa si Mommy Sarrie at nang alisin ni EA ang […]