• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COA piniga sa P16-M safehouse rentals na nagastos ng OVP sa loob ng 11 araw

GUMASTOS ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte ng P16 million na hinugot sa P125 million confidential funds noong 2022, kabayaran para sa renta ng mga safe house para sa 11 araw.

 

Ang OVP accomplishment report ukol sa P125 million confidential fund nito noong 2022 ang ipinresenta ng Commission on Audit sa isinagsagawang imbestigasyon ng House good government and public accountability committee ukol sa paggamit ng budget ng OVP.

 

Kinumpirma ni Atty. Gloria Camora ng Intelligence and Confidential Funds Audit Office ng COA na ang OVP ay nagbayad ng P16 million na makikita sa 34 acknowledgement receipts na isinumite nito na may petsang December 21 hanggang 31.

 

Sinabi ni Antipolo Representative Romeo Acop, isang retired police official, may isang resibo aniya ang nagpapakita na P500,000 ang naging kabayaran para sa isang safe house.

 

Nangangahulugan ayon Camora na ang OVP ay gumastos ng P45,000 kada araw para sa isang safehouse.

 

“It would amount P45,454.55 per day,” aniya pa rin.

 

Dahil naguguluhan, hiningan ni Acop si Camora ng detalye sa safe house para mabigyang katuwiran ang malaking halaga para sa rental, subalit wala namang hawak na karagdagang impormasyon ang COA.

 

“We do not have information on the safe houses,” ani Camora.

 

Ang P125 million confidential fund ng OVP ay hindi hinugot mula sa 2022 national budget, kundi ipinalabas ng Department of Budget and Management mula sa contingent fund ni President Ferdinand Marcos, Jr.

 

At sa tanong kung ang P16 million na ginastos sa mga safe house ay makatarungan, ininguso ng OVP ang position paper sa nagpapatuloy na House inquiry na nagsasaad na ang House investigation ay ‘is not in aid of legislation.’

 

“It becomes completely unnecessary for the Committee to belabor and pursue a legislative inquiry into the budget utilization and accomplishment of the Office because the data has already been provided during the budget deliberations in the Committee on Appropriations, and that further information needed may be verified through the COA,” ayon kay OVP.

 

“The absence of any legislative objective or outcome and the lack of clarity in the rules as to jurisdiction and power of the Committee, does not satisfy the requirements enshrined in Article VI, Section 21 of the Constitution on inquiries in aid of legislation. We therefore respectfully request the Committee to terminate its inquiry on the matter,” dagdag na wika ng OVP. (Daris Jose)

Other News
  • Skyway 3 mananatiling bukas

    Matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng San Miguel Corp. (SMC) at Toll Regulatory Board (TRB) dahil sa di umano ay isang pahayag ng huli na magkakaron ng walang katapusang pagsasara ang Skyway 3.     Subalit sa isang inilabas na opisyal na pahayag noong March 16 ng TRB ang sinasabing walang katapusang pagsasara ng […]

  • 3 timbog sa P1 milyon shabu sa Caloocan at Valenzuela

    MAHIGIT sa P1 milyon halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug pushers matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang pagkakaaresto kay Jonell Chavez alyas “Kokoy”, 50, (pusher) ay resulta ng […]

  • NAHULING LOCKDOWN VIOLATORS SA NAVOTAS, 3,071 NA

    UMABOT na sa 3,071 ang naaresto ng mga awtoridad na mga lumabag sa patakaran simula ng umairal ang ipinapatupad na lockdown sa Navotas city, hanggang 5pm ng July 21.   Sa ulat ng Navotas Police, sa bilang na ito ay 2910 ang nasa hustong gulang at 161 naman ang menor-de-edad.   Ayo naman kay Mayor Toby Tiangco, […]