• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAHULING LOCKDOWN VIOLATORS SA NAVOTAS, 3,071 NA

UMABOT na sa 3,071 ang naaresto ng mga awtoridad na mga lumabag sa patakaran simula ng umairal ang ipinapatupad na lockdown sa Navotas city, hanggang 5pm ng July 21.

 

Sa ulat ng Navotas Police, sa bilang na ito ay 2910 ang nasa hustong gulang at 161 naman ang menor-de-edad.

 

Ayo naman kay Mayor Toby Tiangco, kailangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga safety measures para manatiling ligtas ang lahat sa COVID-19.

 

“Gusto po nating maproteksyunan ang bawat pamilya. Hindi natin maitataguyod ang kanilang pangangailangan kung tayo mismo ang magkakasakit. Kaya mahirap man at hindi po tayo komportable, sundin natin ang mga patakaran dahil ito ay para sa ikabubuti nating lahat”, pahayag ni Tiangco.

 

Samantala, inihayag din ni Tiangco na 46 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang 52 naman ang gumaling at masaya ng kapiling ang kanilang pamilya, ngunit mayroon ding aniyang 3 na hindi pinalad at binawian na ng buhay.

 

Hanggang 10pm ng July 21, ang lungsod ay may 1,282 kompirmadong kaso ng Covid-19, 625 ang active cases, 577 ang mga guling at 80 ang nasawi.

 

Ayon aniya sa Department of Health, by cluster o kumpulan ang nagiging hawahan ng COVID-19 sa bansa. Ang number 1 sa ganitong klase ng hawahan o transmission ng virus ay sa pagitan ng magkakapitbahay. (Richard Mesa)

Other News
  • Pamahalaan, papasok na sa huli at ika-apat na yugto ng National Action Plan

    PAPASOK na ang pamahalaan sa ika- apat na phase ng National Action Plan kaugnay ng mga ginagawa nitong aksiyon laban sa COVID 19.   Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hanggang sa 1st quarter na lang ng 2021 ang phase 3 at pagkatapos nitoy papasok na ang phase 4 o ang huling phase na […]

  • Pag-aaral ng mga developed countries sa natuklasang pananatili ng Covid -19 sa loob ng anim na buwan sa mga tinamaang pasyente, gumugulong na

    KASALUKUYAN nang sinisimulan ngayon ang pag-aaral ng mga developed country ukol sa natuklasan ng mga eksperto na kondisyon ng mga Covid-19 patients na nakararanas pa rin ng sintomas ng virus ng hanggang anim buwan na tinatawag na long COVID o long haulers.   Sinabi ni Inter-Agency Task Force (IATF) sub- technical working group member on […]

  • Sobrang nag-benefit ang mga artista: EULA, blessed na na-experience ang first collab ng GMA at ABS-CBN

    KASAMA nga si Eula Valdes sa ensemble cast ng first-ever collaboration ng GMA Network at ABS-CBN Entertainment, ang “Unbreak My Heart” na napapanood na ngayon sa GMA Telebabad , Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV ng 11:25 p.m.       Pinagbibidahan ito nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap […]