• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COA, pinuna ang DOH sa ₱3B na hindi nagamit na COVID-19 response funds

PINUNA  ng Commission on Audit (COA)  ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi nagamit na  ₱3-billion unobligated funds para sa pangagasiwa sana at pagtugon sa COVID-19 pandemic noong 2022.

 

 

“Of the ₱3.055-billion unobligated funds, ₱2.414 billion lapsed and was reverted to the Bureau of Treasury,” ayon sa komisyon.

 

 

Ang lapsed amount  o napaso na halaga ay para sana sa kompensasyon at benepisyo ng mga healthcare workers,  Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 (HEAL) Program, at Philippines COVID-19 Emergency Response Project (PCERP).

 

 

“The lapsed unutilized allotments were counter-beneficial to the continuing efforts towards ensuring access to basic public health services of all Filipinos and more importantly controlling the spread of COVID-19 through provision of quality health services,” ang nakasaad sa annual audit report ng COA ukol sa DoH.

 

 

Sinabi ng Komisyon na pumasok ang national  government sa walong loan agreements kasama ang Asian Development Bank at  World Bank noong nakaraang taon.

 

 

Sa  $2.225-billion programmed loans,  tanging $1.319 billion o ₱66.051 billion ang napakinabangan.

 

 

Maliban pa rito,  nagkaroon pa ng karagdagang obligasyon ang gobyerno na nagkakahalaga ng  $1.534 million, o ₱81.3 million,  ‘commitment charges’ para sa  ‘unwithdrawn HEAL at PCERP loan’ na halaga  “as of Dec. 31.”

 

 

“This additional obligation became part of the overall national government debt, which imposes a burden on the public. Furthermore, it deprived the public of the benefits that could have been derived from the projects,” ayon sa COA. (Daris Jose)

Other News
  • House and lot bonus ni Bambol sa 3 boxers

    Para kay Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, nararapat lamang bigyan ng pabuya sina Olympic Games silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Felix Marcial.     Kahapon ay inihayag ni Tolentino ang pagbibigay niya kina Paalam, Petecio at Marcial ng house and lot […]

  • Halos 2.5-M katao nanood sa mga group stages ng FIFA World Cup

    Nasa mahigit 2.45 milyon katao ang dumalo at nanood sa unang 48 na laro ng FIFA World Cup 2022 sa Qatar.     Ang nasabing bilang ay mas mataas noong 2018 World Cup na ginanap sa Russia para sa mga group stages.     Ayon sa FIFA na sa lahat ng mga laro sa group […]

  • MOA COMELEC AT MALLS PARA SA BSKE

    LUMAGDA  na ng kasunduan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga malls para sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataang Election ngayong 2023.       Pinangunahan ni Comelec Chairman George Garcia at iba pang opisyal ng komisyon ang Memorandum of Agreement Signing sa SM City Manila kasama si SM Supermalls President Steven T.Tan.   […]