Coast Guards ng Southeast Asia nagsanib, karagatan babantayan
- Published on November 29, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSANIB-puwersa ang mga coast guards ng iba’t ibang bansa sa Southeast Asia upang protektahan ang seguridad at labanan ang mga iligal na aktibidad sa karagatan ng rehiyon.
Ito ay nang lumahok ang Philippine Coast Guard sa ASEAN Coast Guard and Maritime Law Enforcement Agencies Meeting kasama ang mga coast guards ng Cambodia, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand at Vietnam sa Bali, Indonesia.
Sinabi ni PCG Admiral Artemio Abu na nagkaisa ang mga lider ng mga coast guard sa kooperasyon, pagtitiwala sa isa’t isa, pagpapalakas ng koneksyon at kooperasyon laban sa mga banta sa seguridad at istabilidad.
Lalabanan umano nila ang nagaganap na smuggling sa karagatan, transportasyon ng iligal na droga, human trafficking at “illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing” na krusyal sa suplay ng pagkain sa rehiyon.
Nagtapos ang pagpupulong sa pagpirma ng mga lumahok sa ASEAN Coast Guard Declaration na nagpopormalisa sa pangako nila sa pagsusulong ng kapayapaan, kaligtasan at seguridad ng mga karagatan sa ASEAN. (Daris Jose)
-
Mga telco sa bansa, wala nang lusot para manatiling pangit pa rin ang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2- Malakanyang
WALA nang puwedeng idahilan para makalusot ang mga telecom companies para hindi gumanda ang kanilang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2 na. Kabilang kasi sa nilagdaang batas ay ang pagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ay pansamantalang sinuspinde ang requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng […]
-
Napa, 3 iba pa kabyos sa Summer Olympic Games
MINTIS ang tatlo katao pambato ng bansa na nakipag-agawan sa dalawang puwesto para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na na-move lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8. Sa pagwawakas ito ng 2021 Mussanah Open Windsurfing Championships-Asia Olympic Qualifer sa Millennium Resort sa Oman. Pumangalawa si Charizzanne Jewel […]
-
Kinoronahan bilang ‘Miss Teen Universe’: KYLIE LUY, gustong patunayan na deserving para maging representative ng Pilipinas
ANG dating The Voice Kids Philippines contestant na si Kylie ‘Koko’ Luy ay pumasok sa bagong larangan at determinado siyang magtagumpay. Kahit na baguhan si Kylie sa beauty pageant, gustong patunayan ng 19-year-old na deserving para maging representative ng Pilipinas sa most prestigious and biggest teen pageant in the world. Her crowning […]