• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CODING, GAWING EPEKTIBO ng 8 sa UMAGA at 6 NAMAN sa GABI

Sa pulong ng mga Metro Manila Mayors ay pinagiisipan na sa panahon ng kapaskuhan ay alisin ang window hours ng number coding sa ilang major roads.

 

 

Ang MMDA rin ay nagiisip ng mga pagbabago upang lalong mabawasan ang matinding traffic sa Metro Manila . Nangangamba naman ang mga motorista sa mga planong ito na sila ang magdadala ng dagdag hirap sa isang araw na byahe. Dati ay walang coding at malaya ang pag-gamit ng sasakyan sa anumang araw at oras.

 

 

Pero noong 1995 nang bumibigat na ang traffic ay ipinatupad ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o mas kilala bilang “coding scheme”. Una ay “odd even” ang mungkahi pero dahil marami ang pumalag ay ginawa na lang na “two digit ending number” ang coding. Ang coding hours ay 7am to 10am, at tapos ay 5pm to 8pm.  Ang pagitan mga oras ay ang tinatawag na “window hours” kung saan kahit coding ang sasakyan ay maari kang nasa kalye.

 

 

Ang pangunahing dahilan ay bawasan ang sasakyan sa lansangan. Dati, pati public utility vehicles ay may coding pero dahil sa binawasan ng 20 per cent ang maaring masakyan ng commuters ay naging exempted na ito sa coding. Sa paglipas ng panahon ang dapat na “unified” sa mga LGU ng Metro Manila ay nagkaroon ng ibat ibang diskarte ang mga Mayors.  Halimbawa, sa Makati ay walang window hours. Walang coding sa Navotas, Marikina, at Pateros; maliban sa ilang kalye. Ayon sa ilang eksperto , hindi matagumpay ang coding system dahil bumili lang ng second o third car ang mga motorista. Ito ay napatunayan sa pagtaas ng benta ng sasakyan mula nang magkarron ng coding system. Unfair din daw ang may restriction sa paggamit ng pribadong sasakyan dahil paloob daw ito sa right to travel. Ang mga pabor naman sa coding ay nagsasabi na kung walang coding mas mabigat ang traffic at isang araw lang naman at ilang oras lang hindi magagamit sasakyan na nasa coding restriction. Pero pag tinanggal ang window hours ay mas mabigat ito sa mga motorista.

 

 

Sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay kinikilala natin ang kapangyarihan ng MMDA at mga Metro Manila Mayors na bumalangkas at magpatupad ng mga hakbang para mapagaan kahit papaano ang daloy ng traffic sa Metro Manila. Pero dapat ay tingnan din mabuti ang impact sa mga motorista. Hindi bawas lang sa traffic ang tingnan nila kundi ang impact sa economic life ng mga motorista. Kailan mabigat ang traffic? Rush hours. Sabay sabay ang pasok sa trabaho at paaralan. Kahit saan ay ganyan ang rush hours. Sa pauwi naman ay mabigat simula ng alas singko dahil pauwi na ang mga motorista. Sa rush hour na yan mahalaga at kailangan ng mga motorisra ang mobility. Kaya bumili ng second o third car. Ok sana kung yun second o third car ay sa coding day lang gagamitin. Hindi. Sa pamilya dahil may second car may second driver na rin. So nangyari imbes na isang sasakyan lang sa isang araw ay naging dalawa na sa apat na araw ang sasakyan ginagamit ng pamilya.

 

 

So yung gusto natin mabawas na 20 percent sa isang araw, binawi ng additional cars sa mas maraming araw. Bakit? Dahil sa may second car na natural gagamitin nila hindi lang sa araw ng coding kung hindi sa araw araw na rin. Kailangan nila ang mobility during rush hours. Pwede naman mag public transport?

 

 

Pero dahil kulang at hindi efficient at hindi reliable ang public transport ay hindi naging attractive sa mga car owners ito. Dagdag pa ang sobrang hirap ng pag ko-commute. Ang mungkahi ng LCSP, kung mamarapatin ng mga Mayor at ng MMDA, ay ito: Gawing 8 AM to 10 AM, at 6 PM to 8 AM ang coding. Ang isang oras ay malaking bagay sa mga motorista . Halimbawa sa isang pamilya bago pumasok sa trabaho si tatay ay maari niya pang ihatid si misis at mga bata sa paaralan GAMIT ANG ISANG SASAKYAN LANG. Pag 7am ay hindi kakayanin nito ng isang sasakyan kaya dalawa o higit pa ang nadadagdag para ihatid si misis at mga bata.  Kung mag TNVS o school service ay dagdag gastos pa sa pamilya ito! Usually 7AM ang pasok sa school. So 7AM coding ay aabutin na si tatay. Pero kung 8am may time pa siya makarating sa trabaho niya. Sa pauwi naman Imbes na maghintay ng tatlong oras bago makauwi ay may isang oras ( 5 to 6pm ) para maaga makauwi si tatay sa bahay para sa quality time ng pamilya. Pwede rin masundo ang mga bata muna kaysa naman maghintay ng tatlong oras sila dahil hintayin matapos ang coding. Pabor ito sa mga middle income earners na mas nakakaraming motorista.

 

 

Pero bibigat ang traffic sa rush hour! Iba iba naman ang oras na kakailanganin ng motorista sa rush hour. May mga short distances naman na sapat na ang dagdag isang oras para makarating sa trabaho o paaralan. Itong mungkahing ito ay makakatulong sa mga short distance motorists dahil imbes na sumabay sila sa 5 AM rush hour ay pwede sila umalis ng 6 AM. Ibig sabihin ay hindi magsasabay sabay sa kalye ang pwedeng umalis ng 5 AM o 6 AM o 7 AM. Hindi tulad ng kung 7 AM sabay-sabay sila para ma beat ang 7AM na coding. Maiiwasan ang paggamit ng two or more vehicles ng isang pamilya dahil kaya na ng isa para makarating silang lahat on time sa kanilang pupuntahan.

Other News
  • COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research

    BAHAGYANG  bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research.     Sa isang pahayag, sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw.     Batay sa kasalukuyang datos ng Department of […]

  • 5 kulong sa P115K shabu sa Valenzuela

    Timbog ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Eduardo Angeles, alyas “Mayong”, 51, Mary Ann […]

  • FDA: Mga tinurukan ng AstraZeneca vaccine, tuloy sa pagtanggap ng second dose

    Tuloy sa pagtanggap ng ikalawang dose ng AstraZeneca vaccines ang mga indibidwal na nakatanggap ng unang dose na hindi nakaranas ng kahit anong side effect.     Ito ang nilinaw ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo sa gitna ng mga kwestyon matapos suspendihin ang pagtuturok ng nasabing bakuna.     “Kung […]