Sinasala na mga nominado sa Philippine Sports Hall of Fame
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSARA na pala ang nominasyon para sa ikaapat na grupo na mga nakatakdang iluluklok sa 2021 Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) nito lang Linggo, Enero 31.
Sinimulan na ring salain na ang screening ng dalawang komite ng PHSOF mga kandidato para sa mga pinal na mapipili na pararangalan sa okasyon sa taong ito na nakadepensa pandemya kung aktuwal o virtual event.
“Nakatanggap pa kami ng mga karagdang nominations bago pa mag-deadline,” pahayag sa Opensa Depensa,” kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman at PSHOF 2020 Selection Committee chairperson William Ramirez.
Makikipagpulong pa ang sports agency chief sa mga kasapi ng PSHOF Selection Committee na sina Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham Kahilil Mitra, Philippine Olympic Committee (POC) Secretary-General Edwin Gastanes;
Integrated Cycling Federation of the Philippines Secretary General Avelino Sumagui, University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Rene Saguisag Jr., at Philippine Olympians Association President Gillian Akiko Thomson Guevara sa Pebrero 11 para sa presentasyon ng nominees.
Ipinasya ng Selection Committee ang pag- apruba sa automatic nomination ng Summer Olympic Games medalists.
Kasabay nito, pinangalanan ni Ramirez ang miyembro ng PSOF Review and Evaluation Committee na inatasan sa pagpili sa mga nominado bago ang magdesisyon ang Selection Committee sa pinal na talaan ng mga gagawaran ng award.
Kabilang sa Review and Evaluation Committee sina Joaquin Henson ng Philippine Star, Eduardo Andaya ng Peoples Tonight, Lorenzo Lomibao Jr. ng Business Mirror, Eriberto Talao Jr. ng Manila Bulletin, Eduardo Catacutan Jr. ng Spin.ph, Jose Antonio ng People’s Journal, Reynaldo Bancod ng Daily Tribune, at Prof. Theresa Jazmines ng UP College of Mass Communication at Larc & Asset PR.
Good luck sa mga mapapasama sa 4th Batch ng 2021 PSHOF awardees. At sa mga hindi papalarin, better luck next time po. (REC)
-
Sa kinagigiliwang segment ng ‘AOS’: TOM, ‘di nasagot ang tanong tungkol kay CARLA kaya nadismaya ang netizens
NAGBALIK na sa bahay nila ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ipinaalam nila ito sa pamamagitan ng vlog nila na “After All” na nasa 10th episode na. Nag-decide daw silang iwanan muna ang bahay nila, at lumipat sila sa kanilang condominium unit, nang pareho silang ubuhin, na inabot ng two weeks bago sila gumaling. […]
-
Sen. Imee Marcos, nilayasan na ang Alyansa
TULUYAN nang kumalas si Sen. Imee Marcos sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang koalisyon na iniendorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sinabi ni Marcos na hindi na niya kayang mangampanya at tumuntong sa iisang entablado kasama ang iba pang kasapi ng Alyansa. May mga natuklasan din umano siya na ginawa ng […]
-
slotomania Slots Vegas On Line Casino App Stored
slotomania Slots Vegas On Line Casino App Storeda En İyi Slot Oyunları Ücretsiz On Line Casino Oyunları Content Torofun’da Arkadaşlarınla Online Casino Oyunları Oyna Türk Online Casinolar Neden Ücretsiz Çevrimiçi Slotlarımızı Oynamalısınız? Casino Simulator İndir” Online Casino Hırvatistan – Seçimimiz Durante İyi 3 Casino Ücretsiz Online Rulet Canlı Sohbetle Etkileşim “gametwist Oyunları Casino’da Iyi Eğlenceler Admiral […]