• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cojuangco, Romasanta at Barrios pararangalan ng PSA

Tatlong mahuhusay na sports personalities ang gagawaran ng Lifetime Achievement Award sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) virtual Awards Night sa Marso 27.

 

 

Ito ay sina dating San Miguel Corp. Chairman/CEO Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, Gintong Alay Project Director Joey Romasanta at dating PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios.

 

 

Bibigyan ng parangal sina Cojuangco, Romasanta at Barrios dahil sa kanilang kontribusyon sa pagpapalawak ng sports sa bansa.

 

 

Makakasama ng tatlong kilalang personalidad si Athlete of the Year choice Yuka Saso sa listahan ng mga awardees sa PSA virtual awards.

 

 

Nauna nang ginawaran ng Lifetime Achievement Award sina pool legend Efren ‘Bata’ Reyes, Caloy Loyzaga, Virgilio ‘Baby’ Dalupan, Florencio Campomanes, Mauricio Martelino, Francisco Elizalde, Carlos Padilla, Filomeno ‘Boy Codiñera, at ang 1973 Philippine men’s basketball team.

 

 

Binibigyang-parangal ng PSA ang mga atleta at personalidad na nagning­ning sa kani-kanyang sports sa nakalipas na taon.

Other News
  • Ads May 14, 2022

  • Mga bansa sa buong mundo nagpataw ng global sanction sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine

    NAGPAPATAW ngayon ng bagong mga parusa ang iba’t-ibang bansa sa buong mundo laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine.     Ang European Union, Japan, Australia, New Zealand, at Taiwan ay pare-parehong pinatawan ng bagong injunction ang Moscow, Russia bilang pagkondena sa naging paglusob ng militar nito.     Sinabi ni European Commission […]

  • Mga advocacy groups tutol sa pagtatayo ng P95B Pasig River Expressway

    Maraming advocacy groups ang tutol sa pagtatayo ng P95 Billion na Pasig River Expressway (PAREX) na siyang tinutulak ng San Miguel Corp. (SMC).     Isa na rito ang advocacy group na AltMobility PH na siyang nagsabing mas magiging malala ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila kaysa mababawasan ito.     “In order for […]