• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Col. Umipig bagong hepe ng Valenzuela City Police

MALUGOD na tinanggap ng Valenzuela City ang bagong upong hepe ng pulisya ng lungsod na si P/Col. Allan B Umipig sa isinagawang turnover ceremony na ginanap sa Valenzuela City Police Station (VCPS) Headquarters noong May 9, 2024.

 

 

Si Col. Umipig ay itinalaga bilang bagong officer-in-charge ng Valenzuela City Police, kapalit ni out-going Chief P/Col. Salvador S Destura Jr. na nagsilbi sa lungsod ng halos dalawang taon.

 

 

Pinangunahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito G Gapas ang isinagawang turn-over ceremony.

 

 

Nagpasalamat naman si Col. Destura kay Mayor WES Gatchalian sa lahat ng suporta nito sa lokal na puwersa ng pulisya.

 

 

“Ang buong suporta na ipinakita ng lokal na pamahalaan, ano pa ang magagawa natin bilang kapalit, kundi ang magbigay ng pantay na serbisyo sa mga mamamayan ng Valenzuela City,” pahayag niya.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ng bagong acting chief of police na si Col. Umipig ang kanyang bagong team ng local police na kailangan niya ang kanilang suporta.

 

 

Aniya, priority niya ang kapakanan ng kanyang mga tauhan, “pero hindi ko kukunsintihin ang mga seryosong maling gawain ng aking mga tauhan, siyempre.”

 

 

“Susuportahan ko ang internal disciplinary mechanism gayundin ang internal cleansing effort ng Philippine National Police. Paiigtingin ko ang pagsasagawa ng intelligence operation,” sabi ni Col. Umipig.

 

 

Present sa seremonya sina Atty. Jaime De Veyra, Valenzuela City Government Administrator, P/Col. Benliner L Capili, DDDO, P/Col. Edelberto B Pitallano, CDDS, P/Col. Renato B Ocampo, Chief, DPRMD, P/Col. Ruben Lacuesta, hepe ng Caloocan City Police Station, P/Col. Jay Baybayan, hepe ng Malabon City Police Station, P/Col. Mario C Cortes, hepe ng Navotas City Police Station at ang mga tauhan ng Valenzuela police. (Richard Mesa)

Other News
  • Top content creator sa YouTube: IVANA, ‘di nagpatinag at tinalbugan sina ALEX, TONI at VICE GANDA

    SI Ivana Alawi pa rin ang maituturing ng reyna ng YouTube sa mga local celebrities.     Dahil sa pangalawang pagkakataon, siya muli ang top content creator sa YouTube, ayon sa nilabas na listahan ng Google Philippines.     Noong 2019 lang nagsimulang mag-vlog si Ivana, at last December 2020 ay siya nga ang nangungunang […]

  • Kampanya laban sa mga abusadong debt collectors, palakasin

    PINAMAMADALI ni Davao City Rep. Paolo Duterte sa kamara ang pagpasa ng mga panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga financial borrowers o nangungutang mula sa pamamahiya o public shaming, napakalaking interest charges at iba pang matinding pang-aabuso ng ilang online lending companies sa kabila ng ginagawang government crackdown kontra sa mga abusadong money lenders. […]

  • Underground powerlines at communications cables, kailangan sa mga typhoon-prone sa bansa

    AYON kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, upang maprotekatahan mula sa malalakas na hangin dala ng bagyo o kalamidad ay dapat na ibaon sa lupa ang kable ng kuryente at komunikasyon.   Dapat ding ipasa ang mga panukalang batas ukol sa pagmodernisa o pag-update sa national building code at national land use policy.   […]