• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Underground powerlines at communications cables, kailangan sa mga typhoon-prone sa bansa

AYON kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, upang maprotekatahan mula sa malalakas na hangin dala ng bagyo o kalamidad ay dapat na ibaon sa lupa ang kable ng kuryente at komunikasyon.

 

Dapat ding ipasa ang mga panukalang batas ukol sa pagmodernisa o pag-update sa national building code at national land use policy.

 

Karamihan aniya sa mga siyudad, bayan, buildings, at kabahayan ay hindi matatag laban sa mga bagyo, baha at lindol.

 

“Sawang-sawa na ang milyung-milyong Pilipino sa epekto ng mga kalamidad, pero wala naman tayong ginagawang permanenteng solusyon, kaya paulit-ulit tayong nagpe-penitensiya tuwing may kalamidad,” anang mambabatas.

 

Ang kailangan aniya ay mga bagong typhoon-resilient designs na mga bahay at buildings at pagpasa ng importanteng mga panukalang batas ukol sa land use management policy at National Building Code. (Ara Romero)

Other News
  • LeBron, iba pang NBA stars agaw pansin sa costume sa annual halloween party

    Ilang mga NBA superstar ang nag-trending din nang hindi magpahuli sa kanilang halloween attire.     ‘Wagi si LeBron James ng Lakers sa kanyang get up bilang si Freddy Krueger.     Si Russell Westbrook ay bilang si Chucky sa pelikulang Child’s Play film franchise.     Gayundin ang 19-year NBA veteran na si Carmelo […]

  • Pinas, dapat na kumuha ng hudyat mula sa matapang na paninindigan ng Ukraine laban sa China- 2 presidential bets

    MAAARING matuto ang Pilipinas mula sa naging paninindigan ng Ukraine laban sa naging pag-atake ng Russia para idepensa ang teritoryo nito at soberenya laban sa China.     Ito ang magkaparehong posisyon ng dalawang presidential candidates sa idinaos na Presidential Debate ng CNN Philippines, araw ng Linggo.     Sa tanong kung ano ang kanilang […]

  • PDu30, hindi magdadalawang-isip na sibakin ang mga suspendidong govt officials

    HINDI magdadalawang-isip si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan na sinuspende sa serbisyo ng Tanggapan ng Ombudsman.   Sa public address ng Chief Executive, Martes ng gabi ay binalaan nito ang mga suspended government officials na huwag nang gumawa ng panibago pang kasalanan kahit ito’y simpleng ‘neglect of […]