Comeback film ni SHARON sa Viva, balitang ididirek ni DARRYL YAP, Sharonians mega-react
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
MARAMING Sharonians ang clueless about Darryl Yap, na supposed to be ay magiging director daw ni Megastar Sharon Cuneta sa isang movie to be produced by Viva.
Sino po ba si Darryl Yap? Ano ba ang kanyang claim to fame? Deserve ba niya na maging director ni Ate Shawie?
Eh baka maging si Ate Shawie ay hindi rin kilala ang nasabing director.
Ayon sa aming research, siya ang nagdirek ng Jowable movie ni Kim Molina, Gusto Kong Maging Porn Star na ipinalabas via streaming at may ginawa rin na short film about rape victims.
Wala pa kaming napanood sa mga movies na dinirek niya at hindi rin namin siya kilala. Hindi pa namin siya na-meet personally.
Pero nagtataka lang kami sa violent reaction ng mga Sharonians upon knowing na possible itong maging director ito ng aming beloved Megastar in a future project.
Well, if we know Ate Shawie, for sure bago siya tumanggap ng any film ay gusto muna niya mabasa ang script. If she likes the script, then she will probably accept it.
Kung hindi man niya gusto ang script, Ate Shawie will probably say why she didn’t like it and ask for a new script.
We share the sentiments ng mga Sharonians na medyo andap sila sa sinasabing movie ni Ate Shawie to be directed by Mr. Yap.
Siguro dahil baguhan itong director at ang tipo ng movie ni Mr. Yap ay malayo sa klase ng projects na ginagawa ng megastar.
Siyempre, the Sharonians would want a special project para sa comeback film ng Megastar. Her last film was under Star Cinema kung saan nakatambal niya si Richard Gomez.
***
PAMPA-GOOD vibes. Yan ang aim ni Direk Joven Tan when he conceptualized Ayuda Babes.
Mag-iisang taon na tayo sa lockdown in two weeks and for sure marami tayong memories kung paano natin hinarap ang problemang dulot ng Covid-19 sa ating buhay at livelihood.
For sure lahat tayo ay may kanya-kanyang unforgettable experience while in a lockdown kay tiyak na marami sa atin ang posibleng maka-relate sa characters ng Ayuda Babes.
Masaya man or malungkot ang experience natin, tiyak na mapasasaya naman tayo ng movie.
Pampawala raw ng stress as ng pelikula dahil ito ay ginawa para magpasaya. Tiyak na riot ang comic situations involving the cast that includes Gardo Versoza, Ate Gay, and Joey Paras just to name a few.
(RICKY CALDERON)
-
KYLIE, umamin na kasama si JAKE sa panahon ng lockdown
NATANONG namin si Kylie Versoza sa ginanap na virtual mediacon para sa TV series na Ghost Adventure Season 2 kung ilang buwan silang magkasama ng boyfriend niyang si Jake Cuenca sa iisang bubong sa panahon ng lockdown. Naka-post kasi sa kanilang social media account na magkasama sila ng panahong iyon. “Grabe ang mga […]
-
Covid 19 positive Filipino crew members mula India tinutulungan ng DOTr
Mula sa maritime sector ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard, kasama ang mga ahensiya ng One-Stop Shop (OSS) ng Port of Manila ang nagsama sama upang bigyan ng assistance ang Filipino crew members sakay ng MV Athens Bridge mula India na may COVID […]
-
Woman of unshakable integrity’: PBBM, nagbigay pugay kay dating Senador Rasul
NAGBIGAY-PUGAY si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating senadora Santanina Rasul na pumanaw noong Nov. 28, sabay sabing ang pagpanaw ng senadora ay “a loss deeply felt not only by (her) family but by the entire Filipino nation.” Sa condolence message ng Pangulo sa pamilya Rasul, sinabi ng Pangulo na ang naging […]