• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KYLIE, umamin na kasama si JAKE sa panahon ng lockdown

NATANONG namin si Kylie Versoza sa ginanap na virtual mediacon para sa TV series na Ghost Adventure Season 2 kung ilang buwan silang magkasama ng boyfriend niyang si Jake Cuenca sa iisang bubong sa panahon ng lockdown.

 

Naka-post kasi sa kanilang social media account na magkasama sila ng panahong iyon.

 

“Grabe ang mga tanong! Nasa hot seat ako. Oh my God, ang questions n’yo, huh?”

 

Sabay pag-aming, “for a period, we decided to stay together.”

 

May mga nadiskubre ba siyang ugali pa ni Jake sa ilang buwan nilang pagsasama?

 

“Magaling siyang mag-alaga ng aso, kasi may aso kami together, one bulldog.

 

“Grabe naman kayo! Feeling ko maku-quote n’yo na naman ako, joke! Feeling ko 2 to 3 months kasi quarantine ‘yun, eh, MECQ tapos nalaman naming mas nag-extend pa ‘yung quarantine,” pag-amin ni Kylie.

 

Pero ngayon ay kanya-kanyang unit muna sila pero magkalapit naman daw ang tirahan nila.

 

“Magkalapit lang din ng building,”tugon niya.

 

May sumunod na nagtanong na masyadong vocal na ngayon si Kylie sa pag-aming magkasama sila ni Jake. Ano ang gusto nitong ibahagi sa mga tao ng kagaya niyang liberated at truthful? Pero siyempre bilang beauty queen ay marami na rin siyang achievements at influential sa pageant fans at sa mga kabataan.

 

“I think, I’ve been indepen- dent since college pa ako and I think Jake and I are at the right age and both of us have work very hard to get what we are to- day, so I think, I guess ma-respect ng tao our decisions kasi very we are two very independent people who just trying to be the best version of ourselves.

 

“We’re not trying to hurt any- one, we’re just have fun with our lives and I think, hindi na kami tee- nybopper, hindi na kami younger 20’s. I hope people respect our deci- sions with whatever decisions we have with our lives kasi we’re already off age,” katwiran ng dalaga.

 

Sundot pa ng nagtanong na dapat daw ipaintindi sa mga hindi nakakaintindi tungkol sa sitwasyon ngayon nina Kylie at Jake.

 

Nagulat ang ilang katoto dahil sino ba ang mga taong hindi nakakaintindi, e, hindi naman na bago ngayon ang magkasintahan o magkarelasyong nagsasama sa iisang bubong?

 

Sabi pa ni Kylie, “tama naiinis kasi ako do’n parang ano bang pakialam n’yo, di ba? Para sa akin pakialam n’yo ba? Ganu’n ako mag-isip, eh, so what!”

 

Anyway, sa new normal taping ngayon na naka-lock in ang mga artista ay inamin ng aktres na mas pabor siya dahil hindi sila masyadong pagod na mga artista.

 

“Para sa akin mas madali ‘yung new normal na shoot dahil usually kasi di ba ‘yung mga location namin 1 to 2 hours away so magigising kami mga 3 o 4 AM para makapunta sa set ng 2 hours’ o 1 hour, so ‘yung biyahe nakakapagod.

 

“So ito (Ghost Adventure) kapag lock in, 12 to 14 hours lang kasi so mas madali para a artista hindi mo rin nabibitawan ‘yung character mo, especially kung mabigat tapos magigising ka na lang sa set aayusan na kayo, wala ng travel time kasi nakakapagod talaga ‘yung travel time for me.

 

“Kaya mas madali sa akin, mas gusto ko nga ‘yung lock in na taping na taping at nakakasama ko rin ‘yung cast members so, mas masaya para sa akin,” pahayag ng dalaga.

 

Abangan ang karakter ni Kylie bilang si Luna sa Ghost Adventures Season 2 na concept ni Benjie Paras at pinuri ng aktor ang dalaga dahil mahusay.

 

Mapapanood na ang comedy horror na kung saan kasama rin sina Andrew Muhlach at Empoy Marquez simula sa Oktubre 31, Sabado 6PM sa TV5 handog ng Viva Entertainment at Sari-Sari na idinirek naman ni GB Sampedro. (REGGEE BONOAN)

Other News
  • 400 AFP medical reservist ‘ire-recall for active duty’ para tumulong sa COVID fight

    Ire-recall na for active duty ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 380 medical reservists para tumulong sa laban ng Pilipinas kontra COVID-19.   Ipinag-utos kasi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay AFP chief of staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na i-recall to active duty ang kanilang mga medical reservists kung hindi pa […]

  • NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas

    NAKATANGGAP ng maagang pamasko mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pangunguna ng Public Employment Service Office, katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at ang Navotas Tripartite Industrial Peace Council ang 75 na profiled child laborers sa lungsod sa pamamagitan ng Project Angel Tree. Ani Mayor John Rey Tiangco, nag-uwi […]

  • DIRECTOR SAYS “SMILE” A HORROR FILM THAT FEELS LIKE A PANIC ATTACK

    SOME horror movies aim to subtly spook audiences.      Others try to make viewers squirm in their seats. But filmmaker Parker Finn had a far more ambitious goal in mind when he set out to write and direct his debut feature, Smile. “I wanted to make a movie that felt like a sustained panic attack […]