Comedy-suspense ang naging plot: Nakakaaliw na TNT video para sa SIM Registration, nag-viral
- Published on April 21, 2023
- by @peoplesbalita
MISTULANG comedy-suspense plot ang bagong viral video ng mobile brand na TNT na nagpapakita ng posibleng mangyari kung hindi makapag-register ng SIM
Sa witty at creative na video, na umani na ng 14 million views sa TikTok at 8 million views sa YouTube sa loob lamang ng dalawang araw, tampok ang isang mag-ama na naabala ng pagkatok ng isang babae na nagpakilala gamit lamang ang cell number nito.
Sa kabila ng pagpupumilit ng babae ay hindi nila ito pinagbuksan ng mag-ama dahil hindi nila kilala ang cell number na sinisigaw nito. Sa huli, makikita ang babae na basang-basa sa ulan at nag-iisa dahil hindi niya mapatunayan ang kanyang identity.
Panoorin ang viral ad dito: https://www.youtube.com/watch?v=6AgJo4hoTBw.
‘Mag-SIM Reg Para Hindi SIM Dead’
Sa pamamagitan ng video na ito, nais ng TNT na ipaalala ang kahalagahan ng pag-register ng SIM para maiwasan ang permanent SIM deactivation, na maaring magdulot ng maraming hassle.
Kapag na-deactivate ang iyong SIM, hindi mo na makukuha ang mga one-time password (OTP) para sa iyong banking apps o mobile wallets, kaya hindi mo na rin maa-access ang iyong account at wallet credits. Hindi mo rin maa-access ang lahat ng mga app na naka-link sa iyong mobile number tulad ng social media apps, messaging apps, at delivery apps, o mare-recover ang nakalimutan mong password na naka-link sa iyong mobile number.
“Nais naming paalalahanan ang lahat ng TNT customer na mag-register ng SIM para tuluy-tuloy lamang ang kanilang saya at hindi maantala ang kanilang daily online activities gamit ang pinakamalakas na coverage ng TNT sa buong Pilipinas,” saad ni Francis E. Flores, SVP at Head ng Consumer Wireless Business – Individual sa Smart.
“Kilala ang TNT bilang mobile brand na nagbibigay-saya sa mga Pilipino, kaya naman para sa public service announcement na ito, sinadya talaga naming gawing informative at nakakaaliw ang video para epektibong maipakita ang mga panganib na dulot ng hindi pag-register ng SIM,” dagdag ni Flores.
Di naman naiwasan ng mga manonood na purihin ang video, na nagkumbinsi sa marami na i-register na ang kanilang SIM. As of April 16, patuloy na nangunguna pa rin ang Smart at TNT sa SIM Registration sa bansa dahil sa 35.6 million registered subscribers nito.
Para maiwasan ang permanent SIM deactivation, i-register ang iyong SIM sa pamamagitan ng: 1. Pagbisita sa smart.com.ph/simreg o sa GigaLife app sa Google Play at Apple App Store; 2. Pag-type ang iyong impormasyon at mag-upload ng iyong valid ID; at Paghintay ng kumpirmasyon at ng iyong FREE data.
***
ANG TNT ay powered ng Smart, ang Fastest and Best Mobile Network sa Pilipinas, ayon sa Ookla, ang global leader sa mobile and broadband intelligence.
Ang Smart ang kauna-unahang at nag-iisang mobile operator sa Pilipinas na nanalo ng Best Mobile Network award mula sa Ookla. Upang makuha ang prestihiyosong award na ito, nanalo ang Smart ng Fastest Mobile Network at Best Mobile Coverage award sa Q1-Q2 at Q3-Q4 2022 reporting periods ng Ookla.
Para sa mahahalagang updates, i-follow ang official accounts ng TNT sa Facebook, Instagram, YouTube, and TikTok, o visit tntph.com.
(ROHN ROMULO)
-
Pinas, tinuligsa ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng NoKor
TINULIGSA ng gobyerno ng Pilipinas ang nagpapatuloy na paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea. Sa katunayan, inilarawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing pagkilos bilang “a provocation that undermines regional peace and stability.” Dahil dito, nanawagan ang DFA sa North Korea na “immediately cease” ang ganitong mga aktibidad at mangyaring sumunod sa […]
-
Heat at Spoelstra suportado ng mga Pinoy fans laban sa Celtics
BUHOS ang suporta ng mga Pinoy fans para kay Filipino-American head coach Erik Spoelstra na siyang humahawak sa Miami Heat. Sasalang sa isang ‘rubber match’ ang Heat at ang Boston Celtics sa Game Seven ng Eastern Conference championship series kung saan ang mananalo sa dalawang koponan ang papasok sa NBA Finals. […]
-
Perez pinasalamatan Terrafirma
NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Christian Jaymar ‘CJ’ Perez para sa Terrafirma na pinaglaruan niya ng dalawang taon bago pinagpalit ng Dyip sa San Miguel Beer. Inaprubahan nitong Martes ni pro league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial ang pag-swap ng 2018 top pick pick overall, 2019 Rookie of the Year […]