Comelec, bumuo ng Task Force
- Published on September 21, 2024
- by @peoplesbalita
BUMUO ang Commission on Elections (Comelec) ng Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan sa Halalan (Task Force KKK sa Halalan) na naatasang pangasiwaan ang pagpapatupad ng mga alituntunin, pagrepaso sa mga registration forms, validation, pag-apruba at pag-endorso sa Commission en banc.
Inaatasan din itong subaybayan ang mga rehistrado at hindi rehistradong social media at mga online na account o website na ginagamit upang mag-endorso o mangampanya laban sa mga kandidato, partidong pulitikal/koalisyon, mga organisasyong party-list; mag-isyu ng show cause order, at paunang pagsisiyasat ng mga nakita o naiulat na mga ipinagbabawal na gawain sa ilalim ng mga alituntuning ito; motu proprio na paghahain ng mga reklamo laban sa mga nagkakamali na kandidato, partido, indibidwal, at iba pang entity.
Pamumunuan ang task force ng mga pinuno ng EID at Law Department ng Comelec bilang chairperson at co-chairperson, ayon sa pagkakabanggit.
Idinagdag ng Comelec na ang election period para sa 2025 midterm election ay mula Enero 12 Hanggang Hunyo 11,2025.
Ang panahon ng kampanya para sa pambansang posisyon (senador at party-list group) ay magsisimula sa Peb. 11, 2025 at tatakbo hanggang Mayo 10, 2025.
Ang mga aktibidad sa kampanya ay ipinagbabawal sa Abril 17, 2025 (Maundy Thursday) at Abril 18, 2025 (Biyernes Santo) .
Ang panahon ng kampanya para sa mga miyembro ng House of Representatives, parliamentary, provincial, city, municipal officials ay mula Marso 28, 2025 hanggang Mayo 10, 2025.
GENE ADSUARA
-
Higit P100K droga, nasabat sa 4 na tulak sa Navotas
BAGSAK sa kulungan ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang malambat sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas police chief […]
-
Pamahalaan walang balak gawing pribado ang NAIA
Walang balak muna ang Marcos administrasyon na ibenta o maging pribado ang pamamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na may ginagawa at tinatayong tatlong paliparan na malapit sa Metro Manila. “The government will maintain NAIA as the country’s primary gateway as it intends to use airports around Metro Manila as […]
-
P100 milyong frozen meat, agri-commodities nakumpiska
TINATAYANG nasa P100 milyong halaga ng frozen meat at agri-commodities ang nasamsam sa isinagawang joint raid ng mga tauhan ng Food Safety Regulatory Agencies ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse na na-covert na cold storage facilities sa Kawit, Cavite, iniulat kahapon. Ayon sa DA, nadiskubre […]