• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec ibinasura ang petisyong ikansela ang COC ni Marcos

HINDI ikakansela ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy (COC) ni dating Sen. Bongbong Marcos para sa eleksyong 2022, ayon sa mga naghain ng petisyon, Lunes.

 

 

Sa isang pahayag na inilabas ng mga abogado ng petitioners, sinabi ni dating Supreme Court spokesperson Theodore Te na dineny ng Comelec Second Division ang kanilang petition for cancellation ngayong ika-17 ng Enero.

 

 

“Service was made by email at 9:50 a.m.,” ayon sa pahayag kanina.

 

 

“Petitioners disagree with the Comelec in its ruling, among others, that the material representations made were not false and will seek reconsideration of the Resolution with the Commission En Banc within the five-day period provided under the Comelec Rules.”

 

 

Aniya, lumabas sa desisyon na sumang-ayon ang poll body nang igiit nila na “material” ang mga representations na ginawa sa Item 11 at Box 22 ng COC ni Marcos Jr. Gayunpaman, sinabi ng division na hindi sila sang-ayon na “false” ito dahilan para kanilang sabihin na walang dahilan para ikansela ang kanyang kandidatura.

 

 

Una nang sinabi ng petitioners na mali-mali ang inilagay ni Marcos sa kanyang COC nang sabihin niyang “eligible” siya sa pagtakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas. Aniya, disqualified siya rito bilang bahagi ng parusa ng kanyang 1995 conviction kaugnay ng isang tax case.

 

 

“Counsels are not free to discuss the ground to be included in the Motion for Reconsideration until the same is filed. Additional updates will be provided once the same is filed,” dagdag pa ng pahayag.

 

 

Ang desisyong ito ay hiwalay pa sa kaso ng disqualification laban kay Marcos, na inaasahang ilalabas din ngayong araw(Daris Jose)

Other News
  • DA umaapelang madagdagan ng hanggang P10-B ang kanilang 2022 budget

    Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na mapagbibigyan ang kanilang hiling na madagdan ng P8-10 billion ang kanilang P91-billion 2022 budget.     Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, nakakalungkot para sa Pilipinas na mas malaki pa ang pondong inilalaan ng mga kalapit na bansa tulad ng Thailand at Vietnam sa kanilang agrikultura.     […]

  • Kamara inatasan ang PNP na arestuhin si Quiboloy matapos ma- cite-for-contempt

    INATASAN na ng House of Representatives ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos i-cite-for-contempt ang embattled religious leader dahil sa hindi pa rin pagsipot nito sa imbitasyon ng Committee on Legislative Franchises.     Unanimous ang naging boto ng mga miyembro ng House Committee on Legislative […]

  • Kinumpirma ng anak niyang si Andi: JACLYN, pumanaw sa edad na 60 dahil sa ‘heart attack’

    NAGULAT ang buong entertainment industry sa biglaang pagpanaw ng award-winning actress na si Ms. Jaclyn Jose sa edad na 60.       Linggo ng gabi (March 3) nang kumalat ang balitang pumanaw ang aktres. Bagama’t walang nabanggit na cause of death ng aktres, may mga lumabas na balitang nahulog daw ito sa hagdan sa […]