COMELEC, MAGDARAOS NG SUMMIT
- Published on November 18, 2022
- by @peoplesbalita
MAGDARAOS ng tatlong araw na Election Summit ang Commission on Election (Comelec) at kanilang mga stakeholders sa Enero 2023.
Layon ng kauna-unahang summit na mapagbuti ang pagdaraos ng halalan sa bansa, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.
Sinabi ni Garcia na nakipag kapit-bisig ang Comelec sa lahat ng civil society organizations, citizens group na gustong magkaroon ng isang malusog na demokrasya, maayos, malinis na halalan sa ating bansa na aniya ay isang importanteng pundasyon .
Kinikilala rin aniya ng Comelec na ang pagkakaroon ng halalan sa bansa ay hindi lamang isang obligasyon ng Comelec kundi dapat obligasyon din ng bawat isa sa atin.
Ayon pa kay Garcia , makasaysayang paglagda ng kasunduan na ginanap sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM sa Intramuros, Maynila kasama ang pinakamaraming mga organisasyon dahil kauna-unahang itong mangyayari sa bansa
Pamumunuan ang Election Summit 2023 ni Comelec commissioner Nelson Celis.
Magiging bukas din sa publiko ang Election Summit para maging transparent ang kabuuang proseso nito para sa lahat.
Dagdag pa ng dalawang Comelec officials, magiging bukas din sa publiko ang Election Summit para maging mas transparent ang kabuuang proseso nito para sa lahat.
“Ito ay tungkulin ng bawat isa sa atin. Ang mga ganitong inisyatibo ng Comelec ay pamamaraan para kami ay makapakinig, at the same time kayo’y makapagbigay ng inyong mga adhikain at saloobin,” saad ni Garcia.
Ayon pa kay Garcia, gagamiting absehan sa mga susunod na aksyon o hakbang ng Comelec ang anumang magiging rekomendasyon na mabubuo sa Summit para sa pagdaraos ng halalan sa 2025, 2028 at sa mga susunod pang eleksyon.
Kasama sa mga lumagda ng MOA kahapon ang National Movement for Free Elections o NAMFREL, Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, Legal Network for Truthful Elections o LENTE, at iba’t iba pang poll watchdogs at civil society organizations.
“The electoral process should not be limited to the voters coming to the polls. But more importantly, their participation should be engaged from the very beginning… from the formulation of platforms, selection of candidates to actual registration of the candidates, the campaign, the voting and finally the election and counting of votes. I believe that the biggest challenge of our democracy today is the meaningful participation of our people in every step of the electoral process and resist from the merely performing their role as spectators,” ayon naman kay PLM President Prof. Emmanuel Leyco kasabay ng pahayag na magiging bukas ang PLM sa mga susunod pang pagdaraos ng mga aktibidad ng Comelec kaugnay ng Election Summit 2023.
Planong ng Comelec na idaos ang summit sa huling linggo ng Enero sa susunod na taon. GENE ADSUARA
-
MEET THE CAST AND CHARACTERS OF “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES: MUTANT MAYHEM” IN NEW POSTERS AND FEATURETTE
NOW this is some mutant mayhem. Meet the cast of Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, in cinemas August 23, in this new featurette: Watch the cast featurette: https://youtu.be/Z-ssi2F3iKg And get a glimpse of the colorful characters of Mutant Mayhem with these awesome new character posters: About Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem In Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, after […]
-
Ads October 1, 2022
-
HEALTH PROTOCOLS na MULA sa MEDICAL SOCIETIES, KAILANGAN IPATUPAD sa PUBLIC TRANSPORTATION
Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magtatalaga ng isang working committee ang pamahalaan at ang medical societies para mapag-usapan ang mga strategies para labanan ang pagdami ng kaso ng COVID-19. Magandang hakbang ito upang hindi puro military solutions na mula sa mga heneral ang napapakinggan kundi ‘yung galing din sa medical experts. Importante […]