COMELEC, MAGSASAGAWA NG EN BANC MEETING
- Published on February 5, 2022
- by @peoplesbalita
MAGKAKAROON ng en banc meeting ang Commission on Election (Comelec) sa Feb.9 .
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez magsisilbing isang organizing meeting para sa bagong commission en ban na ito at sa bagong listahan ng mga komite.
“That’s where they will discuss the compositions of the divisions siguro magkakaroon ng assignment of cases (maybe there will be an assignment of cases),” sabi ni Jimenez .
Ayon pa kay Jimenez, kung may anumang kaso na naiwan, ang mga iyon ay itatalaga, isa-shuffle, at iba pa sa Pebrero 9.
Sa kasalukuyan, mayroong ilang umiiral na komite tulad ng campaign committee na pinamumunuan ni Commissioner Rey Bulay habang ang steering committee ay nananatili kay Commissioner Marlon Casquejo.
Sa kabilang banda, ilan pang mga committee ay kailangang i-reassigned tulad ng overseas voting committee at campaign finance committee.
Kaugnay naman sa disqualification case ng presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, binanggit ni Jimenez na hindi siya sigurado kung saan ang paniwala na hindi na makakaboto si Casquejo sa pinagsama-samang disqualification cases ni ng dating senador kapag nailipat siya sa ibang dibisyon dahil may awtoridad ang poll body na amyendahan ang sarili nitong mga patakaran sa anumang binigay na oras.
Sinabi ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon na sinadyang ipagpaliban ni Commissioner Aimee Ferolino ang paglalabas ng ponencia ng kaso ni Marcos para hindi sila makaboto ni Casquejo.
Kung paano naman itutuloy ang kaso, ipinaliwanag ni Jimenez na kapag tatlong komisyoner ang gumawa ng desisyon, ito ang pangunahing desisyon na kumokontrol. Ngunit binanggit niya na ang pangunahing desisyon kung minsan ay nauuwi sa minorya, kapag ang dalawa pang komisyoner ay gumawa ng hindi pagkakaunawaan, ngunit ito pa rin ang pangunahing desisyon.
“Sometimes the dissent becomes the main opinion, especially if more if more justices side with the dissent rather than with what the original position was…”I haven’t seen that happen in the Comelec, to be honest,” sabi ni Jimenez.
“I’m saying that’s one possible way of doing it, but in general, you’re looking at waiting for the main decision because no other opinion is controlling. So whether or not lumabas yung dissent, or lumabas yung separate opinion, whether it’s concurring or whatever, it really, it really has to bow before the main decision. It’s the main decision that ultimately controls the outcome,” dagdag nito
Ang Comelec ay kasalukuyang binubuo nina Acting Chair Socorro Inting, Commissioner Casquejo, Ferolino, at Bulay.
Kung sakaling wala pang bagong appointees ang Comelec, magkakaroon ng “guest” commissioner ang isang dibisyon para punan ang tatlong puwang dahil dalawa na lang ang commissioner sa isang dibisyon. GENE ADSUARA
-
MIND-BLOWING ACTION, KILIG LOVE STORY, SEXY BACON… FIND OUT WHY “THE FALL GUY,” STARRING RYAN GOSLING AND EMILY BLUNT, IS A MOVIE EVENT YOU SHOULDN’T MISS
Epic. Mysterious. Romantic. Comedic gold. Get excited because “The Fall Guy” has everything. Directed by David Leitch (“Bullet Train,” “Deadpool 2,” “Atomic Blonde,” “Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw”), the Ryan Gosling-Emily Blunt starrer opens only in cinemas May 1. Find out what we mean by everything: https://www.facebook.com/watch/?v=329089309754364 In “The Fall Guy,” […]
-
Balanseng training susi ng Creamline
TAGUMPAY na nairaos ng Sports Vision Management Group, Inc. ang 2nd Premier Volleyball League 2022 Open Conference nitong Marso 16-Abril 8 na mga ginanap sa Paco Arena sa Maynila, The Arena sa San Juan City, Mall of Asia Arena sa Pasay at Ynares Center sa Antipolo. Pinagreynahan ang siyam na koponang torneo ng […]
-
PRC, nabigong i-report kay PDu30 ang financial status nito
NABIGO ang Philippine Red Cross (PRC) sa mandato nito na i-report ang kanilang financial status kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Honorary President ng PRC. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ipahayag ni Pangulong Duterte na nais niyang himayin at i-audit ng Commission on Audit (COA) ang government […]