• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Comelec nanawagan: Magparehistro na bago Enero 31

MULING umapela ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na gawin ang lahat ng magagamit na paraan para makapagparehistro para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre ng taong ito, sa isang linggong nalalabi ng voter’s registration.

 

 

Ani Comelec spokesman Rex Laudiangco, ng mga kwalipikadong botante ay maari namang magpatala sa mga Re­gister Anywhere Projects (RAP) booths at iwasan ang pagmamadali dahil hindi nila nakikita ang pa­ngangailangang palawigin ang petsa ng pagpaparehistro ng botante sa Enero 31.

 

 

Nagsimula ang registration para sa barangay at SK polls noong Disyembre 12, 2022 at magtatapos sa Enero 31, 2023.

 

 

Umaasa ang Comelec na maaabot ang target na karagdagang 1.5 milyong voter registrants para sa halalan sa Oktubre.

 

 

Hanggang nitong Ene­ro 20, umabot na sa higit 1 milyon ang nakapagpa-rehistro sa bansa.

Other News
  • Nationwide issuance ng 10-year drivers’ licenses nakatakda sa Disyembre

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nangako ang Land Transportation Office (LTO) na sisimulan na nito ang nationwide issuance ng drivers’ licenses na mayroong 10-year validity sa buwan ng Disyembre ngayong taon.   “By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” ayon kay […]

  • 3 drug suspects isinelda sa P90K shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P90,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Topher”, 27, (pusher) ng Brgy. 120, alyas “Junior”, 42 ng 10th […]

  • 2 ‘tulak’ tiklo sa Malabon, Valenzuela drug bust

    SHOOT sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.       Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon ang hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas […]