• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMELEC OFFICE SARADO DAHIL SA COVID

SIMULA  noong March 11 ay pansamantalang isinara ang main office ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila dahil sa mga nagpositibong mga kawani nito sa COVID-19.

 

Bukod sa main office, sarado rin ang opisana ng Regional Election Director of National Capital Region (NCR), Region IV-A at Region IV-B hanggang Marso 24, 2021.

 

Ito ay bilang bahagi na rin ng pag-iingat para maiwasan ang pagkalat ng virus lalo pa’t may nangyari umanong hawaan sa mga empleyado.

 

Bagama’t sarado ang nasabing opisina, tuloy pa rin naman ang transaksyon sa pamamagitan ng kanilang Facebook at Twitter accounts.

 

Para sa anumang mga katanungan ay maaaring sa nasabing mga social media accounts na lamang ng Comelec bumisita tuwing regular working hours.

 

Sinabi naman ni  Comelec Spokesperson James Jimenez na tuloy din ang paghahanda ng Comelec sa plebesito sa Palawan maging ang paghahanda sa 2022 National and Local Elections.

 

“We wish to assure the public, however, that work remains unhampered. Preparations for the Palawan Plebiscite as well as the 2022 National and Local Elections are underway and will continue to be undertaken by the officials and employees responsible,” sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 75k trabaho sa mga Pinoy, nakaabang na sa ngayon- DOLE

    TINATAYANG nasa may 75,000 na mga potensiyal na trabaho ang naghihintay sa mga Filipino.     Bunga ito ng mga naging  pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa labas ng bansa.     Sinabi ni  DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang na  manggagaling ito sa sektor ng enerhiya kabilang na ang renewable […]

  • Ads June 17, 2023

  • Door-to-door pantry inirekomenda

    Suportado ng Phi­lippine National Police (PNP) ang panukalang ihatid na lamang sa mga bahay ng pantry organi­zers ang kanilang mga donated goods upang hindi na maglabasan pa ang mga tao partikular ng mga senior citizens at makaiwas sa virus ng COVID-19.     Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ronaldo Olay, ang lahat ng pag-ii­ngat […]